"In a GENTLE WAY, you can SHAKE the WORLD."
-Mahatma Gandhi.
Jacob POV
"Napakaganda ni ma'am dito sir." narinig kong mahinang kumento ni Manang Arna habang iniaabot sa kanya ni Anton ang painting.
Hindi naman ako umimik pa dahil napako lang ang tingin ko sa portrait ni Cynthia, na hawak na niya.
Parang may biglang pumapasok sa isip ko na hindi ko maintindihan at maipaliwanag kung bakit.
"Ibabalik ba namin ito sa painting room ninyo sir? Mukhang tapos narin naman ito." patuloy pa niya habang sinusuri na iyon.
Napalingi na ako.
"Sir ito na po ang dating painting na nakalagay dito." narinig kong sambit ni Amy, ang nag-iisang anak ni manang.
Napalingon naman ako sa kanya.
Nakita kong dala na nito ang isa kong obra habang papalapit sa kinaroroonan namin.
"Sir, sigurado po ba kayong ito ang ipapalit natin sa portrait ni ma'am?" mahinang tanong pa nito habang tinitingnan ang canvas, na kanyang hawak.
Isang takipsilim ang nakapinta roon. Kung saan may isang kubo at tahimik na batis, na napapaligiran ng mga puno.
"Nakakalungkot naman sir." patuloy pa nito at iniabot na kay Anton ang hawak na painting.
"Kapag naging ganoon sana ako kaganda kagaya ni Ma'am Cynthia," sinulyapan pa niya ang portrait ni Cynthia saka binalingan ulit ng tingin si Anton.
"...ay WHO YOU? ka sa akin Anton. At kahit luluhod ka pa sa harapan ko ay hindi parin kita papansinin." ngiting sambit parin nito.
"Wow ha, akala mo naman ay magkakatotoo..." nakangising sagot naman ni Anton saka kinuha narin ang iniaabot sa kanya ni Amy.
"Mukha nito." inis na binilatan ni Amy si Anton, na parang bata.
Napakunot-noo na ako. Sumasakit ang tenga ko sa bangayan ng dalawa kaya nagpasya na akong iwan ang mga iyon.
Nang natigilan naman ako, na parang naglo-loading ang utak ko.
"Si Cynthia?" mahinang bulalas ng mga labi ko.
Mabilis na binalingan ko ang sofa ngunit hindi ko na siya nakita roon.
"My goodness, natakasan tayo!" iritang sambit ko at naikuyom ko na ang aking mga kamao.
"Si Ma'am Cynthia?" hindi makapaniwalang tanong ni Amy. Marami pa siyang sinasabi ngunit nag-atubili na akong tumakbo papalabas.
Wala namang mapupuntahan si Cynthia dahil nandito kami sa gitna ng isla, maliban lamang sa kagubatan na nasa pinakadulong bahagi.
"Cynth," sunud-sunod na tawag ang ginawa ko.
Sh*t, saan nagsusuot ang babaeng iyon? Masarap siyang pilipitin at itali.
Bakit pinasasakit ng babaeng iyon ang ulo ko?
.
Nagpaikot-ikot na kami sa buong Isla Montefrio ngunit wala paring nangyari.
.
Bigla akong kinabahan.
Nangingitim na ang alapaap at nagbabadyang umulan.Kailangan siyang mahanap.
Ghad, DAMN IT!
---------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...