Chapter 39 - the Love

5.5K 134 9
                                    

"There is no REMEDY for LOVE but to love MORE."
-Thoreau

.

Cynthia POV

Nagising ako dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto ng aking silid.

Napabangon na ako saka tinungo ang pintuan bago pa man mawasak dahil sa malalakas na katok roon.

Malamang ay si manang na naman ito dahil halos oras-oras ay tinatawag niya ako at binibigyan ng kung anu-anong pagkain.

Kaasar!

Ghad, nakakagigil!

Pinihit ko na ang level ng pinto pabukas ngunit laking gulat ko ng hindi si manang ang aking nakita.

Napalaki pa ang aking mga mata.

Paano siya nakapasok dito?

"Kamusta ka mahal?" nakangiting bati pa sa akin ni Jacob.

Bigla akong kinilabutan sa katagang salubong niya sa akin at sa mga ngiti niyang tumatagos hanggang kaibubuturan.

Pinagpawisan ako ng napakalapot at tila nabuhayan ng libido ang buong katawan ko.

My goodness, ano'ng nangyayari sa akin?

Ano'ng mabuting ispiritu ang sumanib sa masungit na ito?

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ko.

"Sinusundo ang bride ko!" hindi parin mawala-wala ang mga ngiti sa mga labi niya.

BRIDE?

Parang naglo-loading ang utak ko dahil sa mga narinig.

"Wala akong natatandaang pumayag ako na pakasal sa'yo. Mukha nito..." kunot-noong sagot ko.

"Hindi mo mapipigilan ang kasal natin. Whether you like it or not ay magpapakasal parin tayo." madiing sambit niya.

Nasindak ako sa mga narinig. Gusto kong umiyak.

KASAL?!
Ano'ng kasal?
Walang kasalang mangyayari...

Tangkang isara ko ang pintuan nang mabilis niyang iniharang ang kanyang katawan roon.

"Umalis ka na Jacob. Wala kang mapapala sa akin. Hinding-hindi ako pakakasal sa'yo!" iritabling sambit ko habang itinutulak siya papalabas.

Mas lalo pa nga niyang inilapit ang kanyang sarili sa akin hanggang sa niyakap na niya ako.

Parang may koryenteng gumapang sa katawan ko at parang malulusaw ako sa pagkakatitig niya sa akin.

Hindi ko matagalan iyon kaya tangkang nagkukumawala ako ngunit ikinulong pa niya ang magkabilaang pisngi ko at walang anu-ano'y hinalikan niya ako sa mga labi.

Natulala ako sa bilis ng mga pangyayari.

Naglayo ang mga labi namin sa isa't isa at muli na naman niya akong tinitigan sa mga mata, na para bang binabasa niya ang kaluluwa ko.

"Bakit mo ako hinalikan?" natitigilang tanong ko.

Isang makahulugang ngiti naman ang pinakawalan niya.

Parang napako na ako sa kinatatayuan.

Hindi ko na naman maintindihan ang mga nararamdaman ko.

"Kailangan kita Cynth. Hindi ko kayang mawala ka. Pananagutan ko ang mga nangyari. Alam kong hindi mo ako mahal pero gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa pagmamahal mo." sambit pa niya habang nakatitig parin sa mga mata ko.

May kung ano'ng mabigat na bato ang naglusaw sa dibdib ko na ikinagaan ng pakiramdam ko.

"Please marry me!" patuloy pa niya at napaluhod na siya sa aking harapan.

Tuluyan na ngang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.

Totoo ba ang mga naririnig ko?

"Hindi mo na kailangang bilugin pa ang ulo ko Jacob Montefrio. Sinabi na sa akin ni daddy ang gusto mong mangyari." asik ko at binawi ko na ang palad.

"Nakikiusap ako Cynth..." naluluhang sambit pa niya habang nagpatirapa sa harapan ko.

Naramdaman kong sunud-sunod naring pumatak ang mga luha niya sa aking paanan.

"Matagal ng walang bisa ang love potion Jacob. Tigilan mo na ito..." napalingi-lingi na ako saka nagkukumawala sa pagkakahawak niya sa aking mga paa.

"Bakit hindi mo ako magawang mahalin?" nagsusumamong tanong pa niya.

Hindi naman ako nakaimik. Naaawang napatingin narin ako sa kanya hanggang sa napaupo narin ako sa kanyang tabi.

"Naitanong ko rin iyan sa aking sarili, kung bakit hindi man lamang ako magawang mahalin ng isang matinong lalaki. Nagkaroon nga ako ng boyfriend, isang fake naman." naiilang na sambit ko.

Hindi narin siya kumibo. Pinunasan narin niya ang kanyang mga luha.

"Walang lalaking nagkakagusto  sa akin. Ginusto mo lang ako dahil sa'yo napunta ang love potion na pinagawa ko kay Hilda." nasasaktang patuloy ko.

"Ayaw kong mabuhay sa ilusyon kaya tigilan na natin ito. Maluwag kong tatanggapin ang lahat ng kinahahantungan ng mga ginawa ko." hindi ko narin napigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

"Wala kang pananagutan sa akin. Malaya ka na Jacob at sana ay palayain mo rin ako." nanginginig na patuloy ko.

May kung anong punyal ang biglang tumusok sa puso ko.

"Bakit mo ba ako pinagtutulakan papalayo?" mahinang tanong pa niya.

"Ayaw kong itali ka sa isang kasalan dahil dito sa dinadala ko."

"Nakahanda akong pananagutan ang mga nangyari." pagdidiinan pa niya.

Napalingi naman ako saka tumayo.

"Cynth, bakit ba ayaw mo? Ano ba ang kailangan kong gawin?" nagmamakaawang tanong pa niya.

Isang bugtung-hininga naman ang pinakawalan ko.

"Hindi ko kailangan ang awa mo, wala kang pananagutan sa akin. Umalis ka na!" pagtatabuyan ko parin sa kanya.

"Cynth, kahit isang pagkakataon lang..." nagmamakaawang sambit pa niya.

Pinatatag ko na ang aking sarili saka nilingon siya.

Nahahabag ako sa kanya ngunit mas naaawa ako sa aking sarili.

"Ayaw kong mabuhay sa isang one sided love... dahil mahal kita!" tuluyan na akong napaiyak.

Ayaw kong maging dahilan itong ipinagbubuntis ko kaya niya ako pakakasalan.

------------

-NyllelaineNyeNight

I stole the WRONG HEART...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon