Chapter 33 - the Scar

5.6K 138 3
                                    

"You have to DREAM before your DREAMS come TRUE."
-A.P.J. Abdul Kalam

.

Jacob POV

Parang nakalutang lang ang utak ko sa kawalan.

Ilang linggo na akong nagkukulong dito sa bahay at matamang nag-iisip.

Hindi naman ako makalapit-lapit kay Cynthia dahil sa TRO ko.

Ano ba'ng kailangan kong gawin para mapapayag ko siyang pakasalan ako? At paano ko ba mapapawi ang mga pasakit na ibinigay ko sa kanya?

Para na akong nahihibang sa kakaisip ng mga nararapat kong gawin ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong matinong maisip-isip.

Dahil isa lang 'ata ang naiisip ko at walang iba kundi ang LOVE POTION.

Biglang sumakit na naman ang aking ulo. Halos apat na buwan din pala akong nakakulong sa mundo niya pero bakit wala man lamang akong makapang alaala.

Napatingin na ako counter.

Mas mabuti pa 'atang magpakalasing ako at baka sakaling may maalala ako sa nakaraan.

Pero teka, ang CCTV footage kaya sa opisina...

.

"Gym tayo kuya." narinig kong yaya sa akin ni Jeric pagkalipas ng mahabang pananahimik ko.

Isang tango naman ang pinakawalan ko saka sunud-sunod paring napainom ako ng alak.

Kailangan kong makuha agad kay Dido ang mga footage sa opisina sa lalong madaling panahon.

"Ano ba iyan kuya?" patuloy pa ni Jeric kaya natauhan ako.

"Wala ako sa kondisyon. Marami akong iniisip kaya huwag ka ng dumagdag, puwede ba?" mahinang sagot ko at iritang binalingan ko na siya ng tingin.

"Puwede ba kuya! Hindi ako sanay na nagkakaganyan ka dahil sa isang babae. Come on!" patuloy pa niya.

Kung kanina ay nag-aalalang napatingin siya akin. Ngayon naman ay napalitan ng ngiting asong inakbayan niya ako.

"Let's go!" kinuha na niya sa kamay ko ang baso ng alak saka inilapag sa counter.

"Maraming chikabebs doon kuya at sinisigurado kong mapupuno ang mga mata natin." pangungumbinsi parin niya.

Hindi naman ako umimik at muli kong inabot ang baso.

Gusto ko mapag-isa at lunurin ang sarili. Marami na akong iniisip para dagdagan ko pa ng isa na namang babae.

"Baka nandoon kuya ang magiging soulmate mo. Sige ka, baka hindi na naman kayo magkikita at tuluyan ka ng magiging matandang binata niyan." ngiting sambit niya saka natatawang iniwan ako.

Sinundan ko na lamang ng tingin si Jeric habang papaalis.

Isa lang ang babaeng naiisip ko sa ngayon at wala ng iba pa. Ang babaeng walang ibang gusto kundi si Jeric.

Biglang dumugo ang puso ko nang muling maalala na ang gayumang pinagawa ni Cynthia ay hindi para sa akin kundi para kay Jeric.

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Wala namang ginagawa si Jeric sa akin ngunit gusto ko siyang suntukin.

Naikuyom ko ang aking kamao, nabasag naman ang baso sa mga galit ko.

Bakit si Jeric pa ang minahal ni Cynthia?

.

.

Cynthia POV

Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko ng matauhan na si Jacob ngunit hindi parin pala.

Mas lalo lang nagdurugo ang puso ko.

Kung puwede ko lang sanang ibalik ang lahat.

Napatingin na ako sa magkabilaang pulsuhan ko. Kahit pina-laser pa nina daddy at mommy ang mga sugat ay mayroon paring markang nagsasabing isa sa naging katangahan ko.

Bakit hindi na lang kasi ako tuluyang namatay?

Bakit kailangan pang bigyan ako ng pangalawang buhay?

Bakit hindi na lamang ako pakawalan ni Jacob?

Lahat ay nakuha na niya sa akin. Ano pa ba ang gusto niyang kunin?

Bakit ba ganito kasaklap ang naging kapalaran ko?

---------------

-NyllelaineNyeNight

I stole the WRONG HEART...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon