Chapter 9 - the Claim

5.7K 148 5
                                    

"If someone seriously WANTS to be a PART of your LIFE, they will seriously MAKE an EFFORT to be in it.
NO REASONS.
NO EXCUSES."
-my dear valentine

.

Cynthia POV

Nagkukumawala ako kay Jacob ngunit hindi ko matibag ang lakas niya.

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang papasok kami ng pier.

My goodness, ano'ng binabalak niyang gawin?

Saan niya ako dadalhin?

Sapilitang isinakay niya ako sa yate, kasunod namin ang kanyang dalawang alalay at may dala-dalang mga bagahe.

"Ano'ng gagawin natin?" natitigilang tanong ko.

"Magbabakasyon mahal." nakangisi pang sagot niya saka inakbayan na ako.

"Gusto ko ng umuwi." nauutal na sambit ko habang nagkukumawala sa kanya.

Napalingi-lingi naman siya, "Ngayon pa ba tayo aatras na nandirito na tayo. I'm sure na magugustuhan mo sa isla..."

"Ano'ng isla? Hindi! Bitiwan mo ako Jacob! Hahanapin na ako sa bahay... kailangan ko ng umuwi." tila nagmamakaawa paring sambit ko ngunit malokong ngisi naman ang isinagot niya. "Sisiguraduhin ko munang magiging akin ka bago tayo uuwi."

"Nababaliw ka na Jacob." nagtapang-tapangang sabi ko kahit kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko sa takot.

"Oo, nababaliw na ako! Baliw na baliw ako sa'yo! Hindi ka makakalayo sa akin at hindi ka makakapagtago. Whether you like it or not ay magiging akin ka. Akin ka lang mahal at manatili kang pag-aari ko." puno ng pagnanasang sambit pa niya.

Parang may punyal na tumusok sa puso, nang dahil sa naging kapalpakan ko!

Kinilabutan ako habang pinipihit ako ni Jacob papasok ng cabin.

Walang dapat mangyari sa amin. Hindi ko papayagang makuha niya ang gusto niya.

"Matatahimik lang ang loob ko kapag maging akin ka na mahal. Walang ibang lalaking makakakuha sa'yo kundi ako lang. Naiintindihan mo? Ako lang!" nagbabagang proklamasyon pa ni Jacob.

"Hindi Jacob! Pakawalan mo ako. Walang dapat mangyari. Hindi maaari." nagmamakaawang sambit ko habang nagkukumawala parin sa kanya.

Isang nakakalokong ngisi naman ang pinakawalan niya saka malakas na itinulak ako sa kama.

Tuluyang pumatak na naman ang mga luha ko.

HINDI, MAAARI!!!

--------------------

-NyllelaineNyeNight

I stole the WRONG HEART...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon