"There is no remedy for LOVE but to LOVE MORE."
-Thoreau.
Jacob POV
Nababalot ng sakit ang mga nakikita ko sa mga mukha ni Cynthia habang nakahiga siya sa kama.
Inaapoy parin siya ng lagnat kahit na pinainom ko na siya ng gamot at pinahinaan ko narin ang aircon ng silid.
Ramdam na ramdam ko parin ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib.
Kahit tatlong kumot na ang inilagay ko sa kanya ay nanginginig parin siya at nilalamig.
Ano ba'ng gagawin ko?
Masama pa ang panahon kaya hindi kami makakapagbiyahe papuntang bayan para mapasuri siya sa doktor.
Ibinaba ko na ang aking sarili saka pumasok ng kumot.
Niyakap ko na siya buhat sa likuran.
"'mmy!" nanghihinang tawag niya saka napaharap na siya sa akin.
Napayakap na ako sa kanya.
Para siyang batang naghahanap ng masasandalan at akap-akap parin ang sarili.
Hindi ko na napigilan ang sariling halikan siya sa noo.
Napatingin na ako sa mga labi niya.
.
.
Nagising akong walang anumang saplot sa katawan at nakahiga sa balikat ko si Cynthia.
Napahawak na ako sa aking noo.
Ano na naman itong katarantaduhang pinasok ko?
Marahang binawi ko na ang aking palad at mabilis na pinulot ang mga damit kong nagkalat sa gilid ng kama.
Gusto ko suntukin ang aking sarili.
DAMN IT!
------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...