Chapter 15 - the Painting

5.5K 135 7
                                    

"I don't want a PERFECT LIFE, I want a HAPPY LIFE."
-English Status 2018

.

Jacob POV

Nabigla ako ng lumapat ang palad ni Cynthia sa aking pisngi.

Nagbabagang napatingin ako sa kanya. Walang sinuman ang nagtatangkang sampalin ako.

Nararamdaman ko ang panginginig niya sa takot ngunit mas nananaig sa akin ang galit.

Hindi dahil sa pananampal niya kundi ang pagdating niya sa buhay ko.

Marahas na hinawakan ko ang kanang pulsuhan niya saka sapilitan siyang inilabas ng quarters.

"Saan mo ako dadalhin Jacob?" nagkukumawalang tanong niya.

Hindi na ako kumibo pa at mas lalo ko pa ngang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Dinala ko na siya sa loob ng resthouse at marahas na itinulak papasok.

Napasubsob naman siya sa sofa. "Kung ano man ang pinaplano mong gawin ay nakikiusap ako sa'yo Jacob. Tigilan mo na..." naiiyak pang sambit niya ngunit hindi na ako nakakibo dahil napako na ang tingin ko sa painting.

Sa isang human size portrait na nakasabit sa living area.

.

.

Cynthia POV

Punung-puno ng kaba ang nasa puso ko habang walang awang hinihila ako ni Jacob.

Ano pa ba'ng makukuha niya sa akin dahil wala na akong maipagmamalaki pa sa kanya o kahit sa kaninong lalaki pa man?

Dahil kasi sa mga kapalpakan ko kaya ganito ang mga napala ko.

Kung naging maingat lang sana ako.

Pagkalabas namin ng silid ay isang nakakasilaw na haring araw ang sumalubong sa amin.

Halos mapaso ako sa init niyon ngunit patuloy parin akong kinakaladkad ni Jacob.

Hanggang sa narating namin ang isang may kalakihang bahay.

Kinilabutan na naman ako. Ano na naman ang mga iniisip niyang gawin? Nagkukumawala na ako sa kanya ngunit marahas niya akong itinulak.

Nawalan ako ng balanse kaya napasubsob ako sa sofa.

Nanginginig ang buong kalamnan ko.

"Kung ano man ang pinaplano mong gawin ay nakikiusap ako sa'yo Jacob. Tigilan mo na..." naiiyak na sambit ko.

Hindi na siya kumibo pa kaya inayos ko ang sarili ko at napaupo na ako sa sofa saka napatingin narin ako sa kanyang tinitingnan.

Napalaki naman ang mga mata ko sa nakita.

Nakapinta ako sa isang malaking canvas at nakasabit sa dinding.

Napanganga naman ako habang hindi ako makapaniwalang ganoon ako kaganda naipinta ni Jacob.

Ghad, napaka-gifted talaga niya, masarap iuwi!

Oh my gulay, ano'ng kabaliwan na naman ang pumasok bigla sa isip ko?

"Good morning sir!" isang boses naman ang narinig ko buhat sa may pintuan kaya napalingon ako roon.

Nakita ko ang isang may katandaang babae na lumapit sa amin.

"Sinabi kong tanggalin ninyo itong painting." madiing sabi ni Jacob sa kanya.

"Ah, a, e... Kararating ko lang din sir dahil binili ko ang lahat ng mga ibinilin ninyo kahapon." kamot-noong sambit nito.

"Ito po diba sir ang regalo ninyo kay Ma'am Cynthia." patuloy pa niya saka napatingin pa sa akin ang naturang babae.

Regalo sa akin? Napalingi-lingi naman ako. Nang dahil parin ito sa kapalpakan ng gayuma ko.

May gumuhit na pag-alala sa mga mata nito,"Good morning ma'am!" nagdadalawang napangiti siya sa akin.

"Tanggalin ninyo ang painting ngayon din." nagpipigil na utos pa ni Jacob.

Kinilabutan na naman ako. Parang may punyal na tumusok sa aking puso.

May dumating na namang dalawang lalaki at binati nila si Jacob.

"Hindi ko alam kung bakit doon kayo sa quarters sir dahil noong isang araw pa po namin naaayos ang master's bedroom sa taas." narinig kong mahinang sambit ng babae.

Ano'ng Master's bedroom? Parang may umugong na isang nakakabinging tunog sa aking tenga.

Tama na ang isang beses na pinagsamantalahan ako ni Jacob. Tama na!

Napatingin pa ako sa kanilang apat. Masinsinan na silang nag-uusap.

Marahan na akong tumayo at dahan-dahang lumakad papalabas habang pigil-pigil ang bawat paghinga.

Kailangan kong makatakas.

--------------------

-NyllelaineNyeNight

I stole the WRONG HEART...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon