"You don't drown by FALLING in the WATER, you drown by STAYING there."
-Edwin Louis Cole.
Cynthia POV
Nagising akong napakalagkit ng pakiramdam ko.
Natigilan ako nang makita kong hubo't hubad akong nakahiga sa kama.
Inihila ko na ang kumot patakip sa aking sarili.
Hindi ko na naman mapigil ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.
Akala ko ay nanaginip lang ako kagabi pero totoo pala ang mga nangyari sa pagitan namin ni Jacob.
Nanghihina ako. Ilang beses na naman niyang inangkin ang katawan ko.
Tuluyan na akong napahagulhol. Ito ba ang mga kabayaran sa mga nagawa ko sa kanya?
Tanggap ko na kasalanan ko pero bakit ganito kasakit? Masakit na masakit.
Nadudurog ang puso ko.
Naikuyom ko na ang kumot sa aking kamao.
Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang mga nagawa ko?
Biglang bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Paulit-ulit na niya akong pinagsasamantalahan. Napakadumi kong babae.
Kailan ba matatapos ito?
Hindi ko pinangarap na makipagtalik bago ang kasal pero sa mga nangyayari sa akin ngayon ay wala man lang akong magagawa.
Gusto ng bumigay ng katawan ko.
Bakit ganito kapait ang mga nangyari sa akin?
.
Nagpasya na akong bumangon para makapaligo.
Nanginginig pa ang mga tuhod ko habang ibinababa ko ang mga paa ko sa kama.
Kinuha ko na ang roba na nasa gilid ng kama saka ipinulupot sa aking katawan.
.
Ilang bugtung-hininga pa ang pinakawalan ko.
.
Tinungo ko narin ang banyo.
.
Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang iniaabot ang shower valve.
Paulit-ulit ko na namang itinatanong sa aking sarili kung ano'ng kamalasan itong dumating sa buhay ko?
.
Halos namumula na ang aking mga balat sa kakakusot ko pero hindi parin maalis sa sistema ko ang mga kapusukang pinaggagawa ni Jacob sa katawan ko.
.
Kasabay agos ng tubig sa pisngi ko ang walang tigil na patak ng mga luha sa aking mga mata.
HINDI KO NA KAYA!!!
.
.
.
Manang Arna POV
Naguguluhan ako sa mga nangyayari kina Sir Jacob at Ma'am Cynthia dahil noong isang linggo ay napakasaya pa ni sir nang tawagan niya akong magbabakasyon sila dito.
Ipinadala pa niya dito ang portrait ni ma'am para ikabit namin sa living area.
Ano kayang ang pinag-aawayan nilang dalawa?
"Nay an'sarap naman nitong gawa ninyo." narinig kong sambit ni Jess mula sa aking likuran habang iniaabot ang cookies na nasa tray sa harapan ko.
"Mana ka talaga sa tatay mo..." natatawa namang sagot ko saka inilagay na ang mga cookies sa isang glass jar.
"Sa nakikita ko nay ay may malaking pinag-aawayan sina Sir Jacob at Ma'am Cynthia." basag pa niya sa katahimikang naghahari sa pagitan namin.
"Maaga pa ngang umalis si sir at bakit iniwan niya dito si ma'am? Babalik pa ba dito si sir?" sunud-sunod na tanong pa niya.
"Pssst! Masamang pag-usapan ang mga tungkol sa mga amo natin." saway ko naman sa kanya.
"Tulungan mo na nga lang akong maghatid ng mga pagkain kay ma'am." yaya ko habang ininguso ang mga pagkaing nakahanda sa tray.
.
An'dami pang kuwento ang mga pinagsasabi ni Jess ngunit napako na ang isipan ko kay Ma'am Cynthia, na hindi parin lumalabas ng silid.
.
Ilang sandali pa at narating narin namin ang master's bedroom.
.
Ilang katok pa ang ginawa ko ngunit wala paring sumasagot sa loob.
"Ma'am," sunud-sunod na tawag ko ngunit wala ring nangyari.
"Pasukin na natin nay! Kukunin ko lang ang susi." nag-aalalang mungkahe ni Jess saka inilapag pa ang tray sa isang sulok at iniwan narin ako.
Ilang beses pa akong nagbakasakali ngunit wala paring nangyari.
Biglang kinabahan ako.
.
Dumating narin si Jess dala na niya ang susi.
.
Binuksan narin namin ang pintuan.
Ngunit laking gulat ko sa mga nakita.
Maraming dugo...
Bakit may dugo? "Ma'am Cynthia..." nauutal na bulalas ng mga labi ko.
Napalaki ang mga mata ko saka nabitiwan ko pa ang hawak na jar, na nabasag naman ng tumama sa sahig.
Parang napako na ako sa kinatatayuan.
Nakahandusay si Ma'am Cynthia at may dugong nanggagaling sa kanya.
-------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...