"Thinking too much of what others think of you ULTIMATELY CHANGES what you think of YOURSELF."
-kushandwizdom.
Cynthia POV
"Stop pretending na nasasaktan ka Mondragon." mahina ngunit madiing sambit pa ni Jeric sa akin.
"Will you stop accussing my girlfriend Jeric." nagpipigil naring pukol ni Jacob sa kapatid.
Hindi ko matagalan ang eksena sa pagitan nina Jacob at Jeric.
Ako pa ang nagiging dahilan ng hindi magandang pakikitungo nila sa isa't isa.
Kumawala na ako kay Jacob at mabilis na tumakbo papalayo.
Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Jacob ngunit tuluyan na akong pumasok ng pinakamalapit nacomfort room.
Dito lang ang alam kong hindi niya ako susundan.
Hindi ko na alam, na para akong pumapagitna sa dalawang nag-uumpukang mga bato.
Napakabigat ng pakiramdam ko.
Napahawak na ako sa countertop at mariing tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
Halos namamaga na pala ang mata ko sa kakaiyak.
"Mag-usap tayo mahal!" tila nagmamakaawang sabi pa ni Jacob mula sa may pintuan.
Hindi ko na siya pinansin pa.
"An'sakit naman ng mga pang-i-insulto ni Jeric sa pagkatao ko. Akala niya'y kilalang kilala niya ako. Kung wala ba'ng achievements ay wala ng utak. At kasalanan ko ba kung biniyayaan ako ng malulusog na mga dibdib? Impakto!" mahinang sambit ko habang napapako na ang atensiyon ko sa aking sarili sa harap ng salamin.
Bigla namang bumukas ang door knob kaya kinilabutan ako.
Napabaling na ako sa may pintuan.
Iniluwa niyon si Jacob.
Nagtama naman ang mga tingin namin sa isa't isa. Parang nag-slow motion ang paligid habang papalapit siya sa kinaroroonan ko.
Wala naring pagtutol ang nasa puso ko nang ikinulong niya ang magkabilaang pisngi ko at kinuyom niya ang aking mga labi.
Atubiling ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang batok at tinugon ang mga halik niya.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo nang biglang bumukas ang pintuan at may nagtitili sa labasan.
Bahagyang itinulak ko si Jacob at nahihiyang iniba ang tingin.
My goodness, ano'ng mukha ang ihaharap ko sa mga nakakita? At dito pa talaga sa loob ng comfort room kami naghahalikan.
Naramdaman kong inakbayan na ako ni Jacob at iginiya papalabas.
Pulang-pula ang mukha ko. Gusto kong ikubli ang aking sarili. Halos ipagsiksilan ko na ang mukha ko malapit sa kanyang kilikili.
Ghad, axe dark temptation! Napakabango naman this boy at kahit magtago pala ako dito habambuhay.
Sunud-sunod namang flash ng camera ang sumalubong sa amin pagkalabas.
My goodness! May paparazi? Daig ko pa ang artista nito... Ghad! Oh no!!!
"Cynthia," may galit na narinig ko buhat sa di kalayuan.
Bigla akong namutla.
Si daddy... Ano'ng ginagawa niya dito?
Mabilis na kumawala na ako kay Jacob ngunit hinawakan niya ang palad ko.
Napatingin na ako kay daddy. Puno ng disappointment ang nakaguhit sa mga mata niya.
Marami naring mga estudyanteng lumapit sa amin.
"Hindi ko alam na may gusto ka pala sa anak ko Engr. Montefrio." nanlilisik na sambit ni daddy kay Jacob.
Nakita kong napatango naman si Jacob. Biglang sumakit ang dibdib ko.
Walang lalaking nagkakagusto sa akin. Ginusto lang ako ni Jacob dahil sa panggagayuma ko sa kanya.
Napatingin na ako sa aking sarili. Hindi ba talaga ako capable para mahalin? Bakit hindi man lang ako nagkaka-boyfriend.
"This is not proper place sir para pag-usapan. Can we talk privately?" pabulong na sambit ni Jacob kay daddy ngunit nagbabagang napatingin si daddy roon.
"Ano'ng nalalaman mo sa proper place? This?" mahina ngunit nanlilisik na sagot pa ni daddy saka itinuro pa ang comfort room na pinanggalingan namin.
Hiyang-hiya ako sa mga nangyari kaya napababa na lamang ako ng tingin.
"Let's go home!" madiing baling pa ni daddy sa akin.
"May isang exam pa ako ngayon dad, puweding pagkatapos na lang ng exam? I'm sorry!" nahihiya pang sabi ko.
"Let's go!" mahina ngunit makapangyarihang ulit ni daddy.
Wala na akong magagawa kundi ang sundin na lamang si daddy.
Hindi naman binibitiwan ni Jacob ang palad ko.
Magkahawak-kamay pa kaming nakasunod kay daddy at tahimik na dumaan sa gitna ng mga estudyante.
Napatingin pa ako kay Jacob saka tagong napangiti. Hindi naman pala masama na ang masungit na si Jacob Montefrio ang nagayuma ko.
Professional. Mayaman. Matalino. Gwapo.
Mainggit ang mga kababaehan sa akin dahil dito sa fake na boyfriend ko.
Ngunit bigla akong natigilan ng muli kong naalala ang may pagnanasang halikan namin ni Jacob sa loob ng comfort room.
Kailangan kong mag-ingat at kailangan kong mapawalang-bisa ang potion sa kanya bago pa man ako mahulog sa bitag na ako rin ang gumawa.
--------------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...