"Better to have LOVED and LOST, than to have never LOVE AT ALL."
-St. Augustine.
Jacob POV
Nakalutang lang ang utak ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang mga nararapat kong gawin.
Hindi lang isang biro ang nagawa ko, kundi isang napakalaking kahibangan.
Hindi maalis sa utak ko ang salitang KASAL at ang pagkadisgusto ni Mrs. Mondragon sa kasalan.
Inihinto ko na ang sasakyan sa gilid ng daan at bahagyang iniuntog ang aking ulo sa manubela.
.
Gusto kong dagukan ang aking sarili. Think Jacob!!? Kailangan mong makaisip ng magandang solusyon... Ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko ngunit wala pa din akong maisip-isip.
Kailan pa ako naging MOROON!
.
Nang may narinig akong bumusina sa likuran ko.
Napamulat na ako saka nilingon iyon.
Nakita ko si Engr. Jericho, isa sa pinakabatang project engineer ko sa construction.
Abot-hanggang tenga ang mga ngiti niya habang kumakaway sa akin.
Napababa pa siya ng sasakyan saka papalapit sa kinaroroonan ko.
Ibinaba ko narin ang window shield ko.
"Good morning sir! Nagawa na ho namin ang setup sa project site para sa pre-nuptial photoshot ninyo ni Ma'am Cynthia by Thursday."
"Thursday?" natitigilang tanong ko. Ano'ng pre-nuptial ang pinagsasabi niya at bukas na bukas din?
"Yes sir! All are set. Mula sa mga hard hat, harness, heavy equipments at hanggang sa pinakamaliit na gloves ay nakahanda na ho." na-i-excite na sagot pa niya.
Gusto ko siyang suntukin sa mukha para tumigil na.
"Walang kasalang mangyayari!" mahinang sagot ko at isinara ko na ang bintana saka pinatakbo ang sasakyan.
SH*T!
.
.
Isang mahabang biyahe rin saka narating ko ang bahay.
Pababa na sana ako nang napansin ko ang bag ni Cynthia na nasa passenger's seat.
Napapaisip pa ako habang tinitingnan iyon at kalaunan nagpasya na akong abutin iyon at buksan.
Pagbukas ko ng bag ang una kong nakita ay ang mga personal kit ni Cynthia, na nakaayos sa isang transparent pouch.
Kinuha ko ang wallet niya saka binuksan iyon. Nakita ko ang mga ID niya, ATM cards, credit cards at pera.
Nakita ko narin ang phone niya, na halos na-battery drain na. Iniabot ko na ang cord sa sasakyan saka chinarge iyon.
Naghalungkat pa ako.
Napansin ko ang isang pulang tela na nakapulupot sa secret pocket. Binuksan ko na iyon.
Nakita ko ang isang maliit na bote, na wala ng laman at may nakaburda pa sa tela na,
HILDA JUANA DELA SERNA
Naningkit ang mga mata ko, narinig ko na ang pangalang ito.
.
Ini-on ko na ang phone ni Cynthia.
Pagkabukas ay inilagay ko agad sa airplane mode dahil mahirap ng ma-track ng mga imbestigador ang phone.
Hinanap ko agad sa messages ang pangalang Hilda at nakita ko naman agad.
'Nakagawa ka na ba Hil ng antidote sa love potion para kay Sir Sungit? Nakikiusap ako sa'yo Hil, tulungan mo naman ako! Ilang buwan na akong hindi matahimik dahil dito. Pinipilit pa niya akong magpakasal sa kanya. Ayaw kong magpakasal Hil. At lalong ayaw kong dumating ang panahon na kasusuklaman niya ako dahil sa ginawa ko.'
Para akong sinampal sa mensaheng nabasa ko.
Nakikinita ko ang mga takot sa mga mata ni Cynthia at ang mga kalungkutang nakaguhit sa buong mukha niya.
Nagpasya na akong kunin ang phone ko saka idinael ang numero ni Hilda.
Ilang sandali pa saka nirecieve naman nito agad.
[Hello! Sino ho sila?] mahinang sambit ni Hilda mula sa kabilang linya.
"This is Engr. Jacob Montefrio, we need to talk." nagpipigil at madiing sagot ko.
[Sir Jacob... Uh eh!] nauutal na sabi niya.
"Now!" ang patuloy ko.
Hindi na ako makapaghintay pa na kausapin si Hilda at mabigyang linaw ang mga gumugulo sa utak ko.
Sobrang kabog naman ang nasa dibdib ko.
Damn it, ngayon pa ba ako kabahan!
------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...