"I LOVE YOU, not only for WHAT you are. But for what I am WHEN I am WITH YOU."
-Roy Croft.
Cynthia POV
"Akala ko ba'y uuwi tayo agad." nayayamot na puna ko habang tinatahak namin ang labasan ng clinic.
Ngiting napatingin sa akin si Jacob at mabilis na dinampian ng halik ang aking palad.
"Para kang tigre mahal, baka matatakot ang mga baby natin na lumabas." nakangiting paalala niya.
Naiilang na napaiba na ako ng tingin.
"Puwede ba Jacob Montefrio." namumulang sabi ko saka binawi ang aking palad.
My goodness, bakit ba naging ganito ang epekto ng halik niya sa akin? Para akong maiihi na hindi ko maintindihan.
"Masyado kang PDA." mahina ngunit madiing sabi ko saka pasimpleng kumawala sa kanya.
"Then, let's go private. In our home." halos pabulong na sambit niya ngunit parang may isang bombang sumabog sa aking tenga.
"Napakaano mo... Ghad, masarap kang sapakin!" nauutal na sambit ko.
Bigla akong natigilan.
Sinabi ba niyang OUR HOME?My goodness!
"...our home?" wala sa sariling tanong ng mga labi ko.
"Yes mahal, sa bahay natin!"
"Hindi mo pa ako asawa at lalong hindi kita boyfriend. Kaya tumigil ka sa ideyang bahay natin."
"Easy mahal!" alo pa niya sa akin saka muli akong inakbayan.
Kunut-noong napatingin ako sa kanya. Ano ba'ng nararapat na gawin ko sa lalaking ito?
"You've acted awkward! Malaya ka na sa potion Jacob Montefrio. Para kang sinaniban ng kung anong ispiritu." naguguluhang turan ko.
"Gumising ka na sa katotohanang tapos na ang lahat."
Isang ngiti naman ang pinakawalan niya. "Nagsimula tayo sa love potion. Tama ka natapos narin ang bisa ng potion. Pero..." maningning na sagot niya saka pinaharap niya ako sa kanya.
"Pero ang love ay hindi nawala. Hindi ko alam kung paano pero hindi ka maalis sa puso't isipan ko." hinaplos pa niya ang baba ko saka tiningnan ako sa mga mata.
Bigla akong kinilabutan.
"I want to spent the rest of my life with you. I love you Cynthia!" patuloy pa niya.
Nanghihina naman ang mga tuhod ko at nanginginig ang aking mga palad. Hindi ko maintindihan ang mga nararamdaman ko.
Parang nagsipagtalunan ang buong internal organs ko.
Nananaginip ba ako?
Mahal ako ni Jacob Montefrio?
"Stop kissing me!" nauutal na sambit ko.
Napatawa siya.
"Wala pa nga akong ginagawa mahal." angal pa niya.
"Nababasa ko sa utak mo. PERVERT!" gigil na bulong ko saka nagpatiunang lumakad.
Hindi ko mapigilan ang kabog ng aking dibdib at ang pamamawis ng mga palad ko.
Is this for REAL?
He loves me!
My ghad, parang hindi ako makahinga sa kilig!
"Gusto mo bang ipagsigawan ko mahal?" narinig kong tanong pa ni Jacob.
Hindi ko na siya pinansin pa at ipinagpatuloy ko parin ang mga paghakbang ko.
Para akong teenager na nahihiyang humarap kay crush. Nasapol ko ang aking noo, ano ba'ng mga nangyayari sa akin?
"Cynthia Mondragon," narinig kong tawag pa niya.
Napahinto naman ako at hinintay ang sasabihin niya.
"Mahal na mahal kita Cynth! Ngayon at magpakailanman..." sigaw pa niya.
Nadagdagan pa ang pamumula ng mukha ko.
Pinagtitinginan narin kami ng mga tao sa paligid.
Hindi naman tumitigil si Jacob sa kakasabi ng mahal niya ako.
Napalingon na ako sa kanya at patakbong nilapitan siya.
"Nakakahiya!" namumulang awat ko ngunit hindi parin siya tumitigil.
Mabilis na hinawakan ko si Jacob sa batok at walang pasabing ginagap ang kanyang mga labi.
Parang na-freeze naman ako sa kinatatayuan.
Ano'ng?
Mabilis na itinulak ko siya.
Isang malaking OMG!
Ano na naman ba itong ginawa ko?DISGUSTING!
Kailan pa ako natutong humahalik?
Sana ay bumuka ang lupa at lamunin ako ng buong-buo...
GHAD, NGAYON NA!
-------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
I stole the WRONG HEART...
ChickLitBook10: I stole the wrong heart... (Completed!) by NyllelaineNyeNight This is the story of Jacob and Cynthia Paano kong ang gayuma na para sa crush mo ay napunta sa masungit niyang kuya? OMG, paano na lang? Hahahaha... Your trying hard writer, Nyl...