Dinala nga niya ako sa dalampasigan tss ganito parin yung itsura ko mukhang pusa.
Ang hirap paring mag move on dun sa nangyari kanina!
Eh kung ayaw niya sakin edi wag! Di ka kawalan! Hindi na ako magahahabol sayo! Hindi na ako magpapakatanga sayo!
Nabalik ako sa wisyo nang naramdaraman kong sakin siya nakatitig. Kaya nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na mukha.
Bat naman kaya niya ako tinititigan? Alam ko namang may dumi ako sa mukha duh!
Naputol ang pagtitigan namin nang may kinuha siya sa bulsa niya... isang tissue lol akalain mo may tissue siya sa bulsa? Waw ha? Bilib ka! As in nakakabilib ka!
At teka? Papahiran ba niya ang mukha ko? Omaygad papahiran niya ba ako? Papahiran niya ba ako? Omygash!
"Ang init" sabay pahid niya sa kanyang leeg na pawis na pawis.
Napanganga nalang ako. A-akala ko papahiran niya na ako kala ko pa naman ang sweet na niya kasi nga dinala niya pa ako dito!
Hindi niya ba ako papahiran? Sarap iumpog!
Napatingin siya sakin at tinitignan ang mukha ko, parang may hinahanap lol. Nasa mukha ko ba ang hinahanap mo?
Itinapon niya ang tissue'ng ginamit na sa bintana. Abay! Dapat itapon mo yan sa basurahan ulol! Wala ka talagang manners!
Kumuha siya ulit ng tissue sa bulsa niya. Hanep talaga to eh.
Omo ito na siguro! papahiran na niya ang mukha ko.
Pero binigay lang niya lang sakin ang tissue.
"Oh"
"Anong oh?"
"Tissue! Binibigay ko sayo! Dahil mukha ka ng pusa"
"Hindi mo ko papahiran?"
"Bat naman ako yung papahid sayo? Wala ka bang kamay? Ambisyosa ka rin eh noh?"
"Hello! Hindi ka ba gentleman? Pag ba inutusan ka ng mama mo sasabihan mo siya ng wala ka bang paa ma? O di kaya wala ka bang kamay ma? Babae ako kaya dapat sundin mo ko!"
"Eh ano naman kung babae ka?" Nambe-bwesit ba to?
"Akin na nga!" Sabay kuha ko sa tissue at agad pinahid sa mukha ko.
"Ganyan ka ba sa mga babae mo? Hindi sweet! Walang modo! Hindi gentleman! Wakang kwentang kausap!"
"Sweet ako sa kanila, gentleman, may kwentang kausap at may modo. Except sayo! Bakit? Babae ba kita?"
Natahimik lang ako. Oo nga noh? Bat ba ako nagkakaganito sa kanya? Lol lang ha!
"Joke lang" tumawa pa siya.
Di na nga nakita yung mga mata niya. Wao may pagka-chinito lang ang peg!
Ang lalim din sa magkabilang dimples niya! kyaaaahh.
Agad kong niyogyog ang mukha ko. Iris! Erase erase!
Kumuha ulit siya ng tissue at pinahiran yung mukha ko! Ohmy!
Titig na titig siya sa bawat pagpahid niya. Peste ka natutunaw na ako.
"Happy?" Inirapan ko lang siya. Wao ha? Sapilitan lang?
"Hindi naman kita pinilit!" Sabi ko.
"Di naman to sapilitan!"
Umirap lang ulit ako. Wala akong ganang makipag usap sa kanya. Wala siyang kwentang kausap.
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018