CHAPTER SIXTEEN

910 22 3
                                    

Agad kong pinahiran ang mga luha kong parang tubig kung umagos.

Hayst ano ka ba naman Iris yan kasi!

Nasa pintuan ako ngayon at kinakabahan. Sana naman di ako tabuyin ni mama.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero nakalock kaya kumatok nalang ako. Tok tok tok

May narinig akong yabag ng mga paa papalapit at agad bumukas ang pinto. Si mama ang bumungad. Kinakabahan parin ako gusto ko na namang umiyak.

Lumuhod ako sa harapan niya "ma sorry sa lahat alam kong pinagsisisihan ko ang lahat ng pinaggagawa ko ma. Sana mapatawad niyo pa ako. Sorry sa lahat lahat ng nagawa ko sayo" tumulo na ang aking luha. T^T

Bigla nalang akong pinatayo ni mama at niyakap. Doon na bumuhos ang aking mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak na parang bata.

Ngayon ko lang siya nayakap since nung elementary pa ako. Kasi naman nung naghigh school na ako shempre nahihiya na akong yumakap sa mama ko, magsabi ng iloveyou at magkiss.

Kasi naman parang ano hahaha matanda ka na shempre awkward tas diba pagbata ka pa di ka pa nahihiya, so yun.

Pinapasok na ako ni mama sa loob at kinwento ko sa kanya lahat lahat! Pati nga yung pag aaway namin ni kea kanina nung nag away kami. Shempre nagalit si mama sakin wag ko na daw yun uulitin. Hayaan nalang daw natin na ang karma para sa kaniya. Kahit anong mangyari wag gaganti!

Iba talaga pag mama mo yung kausap mo, siya na yung nag aadvice tungkol sa pagiging isang mabuting kaibigan. Shempre wala akong sinabi sa kanya tungkol kay Clyde noh.

Naging masaya ako shempre dahil okay na kami ni mama. At parang gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa wakas wala na akong sekreto kay mama.

Tinawagan ko na rin si Mori, yung kaibigan kong bakla okay? kinwento ko rin sa kanya yung nangyari kanina yung pagtaboy sakin ni mama, pag aaway namin ni kea, joseph at clyde, paghalikan namin ni Clyde at ang pagbabati namin ni mama ngayon.

Siya: hayst naiinis talaga ako sa clyde na yan eh! At ikaw napakagaga mo rin!

Ako: grabe ka naman

Siya: napakatanga mo rin! Wag ka ng lumapit sa clyde na yan nanggigigil talaga ako sa lalaking yan! Hindi ka na ba natutu? Palagi ka nalang sinasaktan niyan! Ano? Tas magpapahulog ka na naman sa lalaking yun? Kainis ka! Ang tigas tigas ng ulo mo! Sinasabihan kita kasi para sayo lang naman yan hindi para sakin!

Ako: aiissshh oo na tsaka pwede ba wag kang sumigaw? Ansakit sa tenga!

Siya: hayst ewan ko sayo kaloka ka teh! Kelan ka ba magtatrabaho ha?

Ako: next month siguro. Ewan

Siya: hallleeeerrrr ano nalang gagawin mo? Gala gala lang ganern? Independent sa mama mo? Hello? Hindi ka na naawa sa mama mo? Lalo na siya nalang ang mag isang nagtataguyod. Tumulong ka naman sa mama mo! Dapat ikaw yung magtrabaho hindi yung mama mo! Inalagaan ka ng mama mo, pinalaki ka ng maayos tapos ganyan lang isusukli mo sa kanya?

Ako: please tama na! Nakakasakit ka na ah? Porket may trabaho ka na. Mahirap din maghanap ng trabaho no!

Siya: nahihirapan ka? Bakit naghanap ka ba?

Ako: aissshh!

Kainis kaya binaba ko nalang ang telepono hayst grabe na talaga! Kelan nga ba ako magtatrabaho? Hayst dapat ko na talagang tulungan si mama tama ka mori!

> Clyde De Vera's point of view <

Tinignan ko lang siyang nakipag away kay kea. Hindi ko sila inawat, tinignan ko lang kung ano o gaano siya kalakas. Nakikita kong umiiyak si kea sa sobrang sakit sa kakasabunot ni Iris sa buhok niya.

Haha buti nga sayo naiinis din ako kay kea dahil napakaplastik niyang tao. Hindi lang kay Iris pati na rin sakin.

Tumingin si Iris sakin.

Please mali yang iniisip mo kaya kitang ipagtanggol pero hindi muna ngayon.

Nakita kong sinuntok siya ni Joseph kaya kumuyom ang palad ko gusto ko sanang suntukin si joseph pero di ako marunong sumuntok. Oo di ako marunong -,- natatakot akong mapahiya at ayokong masira ang gwapo kong mukha.

Grabe ka joseph! Pati babae sinasaktan mo! Sinaktan mo si Iris sa puso at pisikal. Gago ka

Sinadya ko lang talagang bitawan siya kaagad. Dahil alam kong sasakit ang likod niya at makarga ko siya papuntang kotse ko nagdalawang isip pa nga ako nun eh.  Grabe to kung makakurot sa braso ko dumugo tuloy. Pero nung inuntog niya yung ulo niya sa noo ko grabe talaga.


Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya hinalikan ko nalang siya. Bwesit lang kasi may tumawag. Disturbo! Tumawag sakin yung gf ko at pinapunta ako sa bahay nila kasi wala dawng tao.


"Babe!" Nasa labas siya ng gate nila hinintay siguro ako. Lumabas ako sa kotse ko at sinalubong siya ng yakap. Agad naman niya akong hinalikan pero pumiglas ako.

Hindi ko alam kung bakit dahil ba to sayo Iris? Napahiya siyang bumaba ang tingin tsaka bumaling ulit sakin.

Pagpasok namin sa loob ay wala ngang tao. Kami lang dalawa. Sabi niya magmovie marathon daw kami. Horror pa naman ang ipapalabas tsk. Nakakatakot kasi gabi na -,- edi ako na ang matatakutin. Naghanda pa siya ng makakain.

Nanood na nga kami. Hayst puro panggugulat, yung sound effects lang naman ang nakakatakot. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay naisip ko si Iris yung lahat ng pinagsamahan namin, nang may biglang tumunog doon sa mesa malapit lang samin napasigaw tuloy ako

"WAAAAHHH IRIS!" Sigaw ko sabay yakap kay Niña akala ko siya si Iris. Nagtaka pa nga siya.

"Iris?"

"Ha? Hindi sabi ko ALIS ka na daga!"

Tumawa pa siya.

"Ikaw talaga napakamatatakotin"

Hayst muntikan na. Bat ko ba siya palaging iniisip? Napangisi nalang ako at umiiling iling. Hayst nahuhulog ka na ba sa kanya? Hahaha wag mo siyang saktan dude sinaktan na nga siya diba? Tapos sasaktan mo uli siya? Iba nalang wag siya.

Kinabukasan. Napakatraffic nakakainis. May kumatok sa bintana ko at binuksan ko naman iyon. Isang batang nagbebenta ng bulaklak.

"Kuya bili na po kayo 50 pesos lang po para sa girlfriend niyo po sigurado akong magugustuhan niya iyon" natawa naman ako sa kanya tsaka ko nalang naalala si Iris.

"Pabili nga niyan lahat. Keep the change" tsaka binigyan ko siya ng isang libo.

"Talaga po??? Maraming maraming salamat po!" Nginitian ko lang siya saka umalis na agad siya.

Mga ilang minuto ay um-okay na din ang traffic may nagkabanggaan lang daw kaya nagkaroon ng traffic. Pumunta ako sa bahay nina Iris.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay tinitignan ko pa ang mga bulaklak at inaamoy amoy. Sakay ako bumaba at pumasok sa bahay nila. Pagpasok ko wala atang tao pero yung pintuan hindi nakalock. Luminga linga pa ako.

Pumunta ako sa kwarto ni Iris baka sakaling nandun siya. Ngumiti ngiti pa ako. Pagbukas ko ay bumungad sakin na nakahiga si Iris at nakapatong ang isang pamilyar na lalaki yung kausap niya sa mall dati.

Unti unting napawi ang aking ngiti. Sabay silang napalingon sakin. Nagulat si Iris. Nabitawan ko ang mga bulaklak na aking dala.

Agad akong lumabas sa bahay nila at dali daling pumasok sa sasakyan ko. Nakita ko pa sa rear mirror na sumunod si Iris sakin. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko.

May biglang tumulo na luha sa aking pisngi kaya agad ko naman itong pinahiran. May nararamdaman akong tila kirot dahil sa nakita ko. Nasasaktan ako oo. Akala ko ba nagbago ka na?

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon