Kanina binilhan niya ako ng jacket kaso hindi ako pumayag kasi naman ang init init tsaka magpapantalon pa daw ako kaloka so ayon binilhan nalang niya ako ng tshirt ang hindi ko alam eh same pala kami, couple tshirt pa kaloka tas ngayon binilhan naman niya ako ng rubber shoes huwaw diba kanina jacket yun? Magjojogging ba kami? Nakakaloka siya pag ang nagpasuot sakin ng medyas tsaka rubber shoes kahit marunong naman ako.
Pagkatapos niya akong sinuotan ay tumayo na ako. Maganda siya. Di lang ako sanay kasi palagi akong nakaheels. Ni-head to foot ko siya. Teka pati ba naman pantalon at sapatos parehas kami? Jusmeyo. Anong ka cornyhan tong ginagawa niya? Parang bakla!
Nakakunot naman ang noo niya siguro napansin niyang napatitig ako sa kanya "Bakit?" Tanong niya
"Bat parehas tayo lahat?"
"Ayaw mo?"
"Ahhmm hindi naman."
"Tara na"
"Ha? Ah sige"
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop niya ang aming daliri tiningnan ko naman iyon.Tinitingnan pa kami ng mga taong nakakasalubong namin. Nakakahiya -,- may sumigaw pa ngang "walang forever!" Edi waw! Mga bitter! Wala kasing lovelife bleeehhh! Hanap din kayo oy! Pero wala naman talagang forever eh hahahaha lol. Infinity lang charot. Napahinto nalang ako at ganun din siya
"Bakit?" Tanong niya
"Kailangan ba talagang magholding hands tayo? Hindi ba parang ang o.a na masyado eh" o.a naman talaga eh tas nakakahiya pa dahil pinagtitinginan pa kami ng mga tao.
"Bakit naman o.a?"
"Basta!"
"Bawal bang magholding hands? Tsaka alam kong nahihiya ka lang kasi pinagtitinginan tayo ng mga tao. Wag kang mahiya kasi andito naman ako eh. At kahit nanliligaw pa ako sayo ganito na talaga ako pano pa kaya pag naging tayo na?"
"Hoy! Anong gagawin mo sakin? Gagahasain mo ba ako?"
Bigla nalang siyang tumawa. Ano kayang nakakatawa dun? Parang timang lang! "Siguro hindi gahasa ang tawag dun kasi alam kong magugustuhan mo naman yun"
"Hoy! Hindi ko na kailanman magugustuhan yan no! Alam mo namang pinagsisisihan ko yung ginawa ko dati. Tsaka tigilan mo na yang paghithit ng katol kaya ka nagkakaganyan eh."
Tumawa lang siya at umiling tsaka nagpatuloy kami sa paglalakad. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko.
Pumunta kami sa isang restaurant. Mamahalin ata to eh. Grabe talaga ah? Kahit wala siyang trabaho marami paring pera. Di kaya nagbebenta siya ng pinagbabawal na gamot? Joke lang.
"Kain muna tayo"
"Ah sige" bored kong pagsabi. Eh kasi naman nakakabored talaga eh tsaka nakakapagod maglakad hay naku nemern
Nag order na siya ng ibat ibang pagkain, desserts at juice. Nagulat pa ako kasi andami nakakalerke
"Bat andami?"
"Di ka pa kasi nag aalmusal, lunch na din to"
"Ah sige salamat" medyo nahihiya talaga ako eh. Awkward kasi hahahahaha lol
"Nahihiya ka ba?"
"Ahhmm medyo"
"Bakit naman?"
"Ewan. Kain na tayo!" Kumuha na ako ng pagkain ko. Nilalagyan niya rin ng mga kung ano ano ang plato ko andami pa!
"Bakit kahit andami ng kinakain mo payat ka pa rin? Or sexy ka parin?" Tanong niya.
"Ha? Ah eh ih oh uh kasi hindi ako mataba" pamilosopo ko hahaha
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018