Nagulat ako sa sinabi niya kaya lumabas ako sa kotse niya at tumakbo sa loob ng bahay namin.
Grabe! Muntikan na! Hinihingal hingal pa ako. Tiningnan ko siya sa bintana at saktong nagkatagpo ang aming mga paningin! Nanlaki ang mata ko kaya nagtago uli ako. Grabe alam niya kung saan ako nagtatago? Grabe kahit medyo singkit yung mata nakikita niya parin ako!
Sakto namang narinig ko si mama na may kausap sa telepono.
Sino kaya kausap niya?
Siya: oh sige kea papunta na ako
Ano daw? K-kea? Kausap niya si kea?
Lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Ma sinong kausap mo?"
"Uhmm wala kaibigan ko lang"
"Ah sige"
Baka naman namali lang yung dinig ko imposible namang magkausap sila ni kea eh di naman sila close.
Maya maya. "Oh siya aalis muna ako Iris dito ka lang sa bahay wag kang aalis ha?"
"Opo ma!"
Nakaalis na nga siya. Tumingin ako sa bintana para tingnan kung nandun pa ba si Clyde. Nandun pa nga yung kotse niya pero wala siya sa loob. Nasan kaya siya?
"Sinong hinahanap mo?" Napatingin nalang ako sa gilid ko....si clyde!!!! Ginaya niya pa ang posisyon ko. Tinignan niya rin ang kotse niya.
Late reaction ako lol napatalon ako sa gulat.
"Bat ang hilig mong manggulat? Parang aatakehin na ata ako sa puso ko wengya ka!"
"Gusto mo na ba ako?"
"Ha! Ang kapal din pala ng mukha mo noh?"
"Marunong kasi akong makiramdam. Nalalaman ko yung feeling ng isang tao sa pamamagitan ng pagkilos nila."
"Eh pano pag tumatawa siya? Tas peke lang pala. Tas nage-effort siya pero hindi naman pala yun sincere! Pagpapanggap lang pala"
" may pagkakaiba ang totoo sa peke. Basta pag pinakinggan mo lang sila o pakiramdaman kung ano man ang iniisip mo paniwalaan mo. Pwede ring titigan mo ang kanilang mga mata"
"Para kang matanda!"
"Sadyang madami lang akong nalalaman" inirapan ko lang siya. Duhh
Edi ikaw na!Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinaharap sa kanya.
Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko. Naiilang tuloy ako
"Anong ginagawa mo?" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang braso ko.
"Tinititigan ka"
"Alam ko! Bakit mo ko tinititigan?"
"Para alamin kung anong nararamdaman mo para sakin"
A-ano bang sinasabi niya? Leche ka! Edi ikaw na! Masyado kang pabida! Inirapan ko lang siya lol
"So tayo lang palang dalawa dito"
"Hindi ba obvious?"
Nagkaroon kami ng katahimikan awkward tuloy at maya maya ay bigla nalang siyang naglakad papunta sa likod ko at yumakap, pinihig pa ang ulo niya sa balikat ko
Ano bang ginagawa niya? Ang landi mo!!! Pero hayst ang cute mo! Pero joke lang ano ka ba Iris!
"Umalis ka nga diyan!"
"Ayoko nga"
"Ang kulit mo!"
Tinignan ko pa ang dalawa niyang kamay na nakapuluput sa bewang ko. Tss bat ka ba ganyan? Yang mga damoves mo! Alam ko na yan! Wengya ka! Tao ako! Hindi ako laruan! Char ang drama
Inisip ko yung sinabi niya sakin. Pinakiramdaman ko lang siya. Base sa nakikita ko sa mga kilos niya parang may nararamdaman siya sakin pero playboy siya.
Hayst sana totoo itong ginagawa mo sakin. Sana hindi ka nagpapanggap. Sana hindi mo ako pinaglalaruan. At sana parehas tayo ng nararamdaman. Pero napaka imposible yun!!!
Maya maya ay kumalas na siya sa pagyakap sakin. Nagtaka ako kasi parang may hinahanap siya. Tumingin tingin pa siya sa mga pinto
"Nasaan ang kwarto mo?"
"Ha?"
"Yung kwarto mo nasan?" Psh! Binaliktad lang!
"Nandun oh!" Tinuro ko sa kanya yung panghuling pintuan.
Pumunta siya roon at pumasok. Psh ano bang gagawin niya dun? Sumunod din ako sa kanya. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga sa kama ko. Natutulog.
Wao pagod na pagod? Yan kasi! Pinapagod mo lang yang sarili mo! Laro pa! Napakaplayboy mo. Pero bat wala na akong naririnig na may kadate siya? O gf? Ako ba yung target niya? Ulol ka talaga!
Lumabas ako sa kwarto at naglinis ako. Ohaa ang sipag ko kasi! Nagwalis lang naman ako haha!
> Clyde De Vera's point of view <
Pagod naman talaga ako eh. Kulang lang yung tulog ko kaya pumasok ako sa loob ng bahay nila. At nakita ko si Iris na tumitingin sa bintana. Haha ako ba ang hinahanap niya? Naks naman grabe naman to pagtinamaan. Ang gwapo ko kasi.
May nagvibrate sa bulsa ko ibig sabihin may nagtext sakin. Buti nalang nakasilent yung phone ko. At saka malayo layo pa naman ako kay Iris kaya di niya ako makikita. Nagtext sakin si Ella yung bago kong gf, di ko lang pinakilala kay Iris.
Siya: good morning babe!
Ako: good morning din
Siya: lunch tayo mamaya babe?
Ako: sige babe!
Siya: i love you babe
Ako: labyo din!
Pagkatapos nun ay nilapitan ko na si Iris. Nagulat pa siya. Grabe naman tong magugulatin.
Hinanap ko ang kwarto niya, at tinuro naman niya sakin. At pumasok ako dun.
Natulog nga ako kasi naman ansakit talaga ng ulo ko. Eh kasi kaninang madaling araw nakipagkita sakin si Emily, gf ko rin. Aalis na pala siya eh nagpasundo lang papuntang airport kaya pagkatapos nun dumiritso ako dito. Di ko na talaga mapigilan yung antok ko nun kaya nakatulog ako sa kotse.
Naalimpungatan nalang ako dahil sa narinig kong ingay. Parang umiiyak. Agad akong bumangon at tinignan ang relo ko 11am na pala. Tumingin muna ako sa sarili ko sa salamin baka naman may muta pa ako o di kaya laway.
Paglabas ko ay nakita ko si Iris na sinasampal sampal ng kanyang ina. Hala. Anyare? Diba okay naman sila kanina?
"Ma sorry" umiiyak si Iris habang lumuluhod. Sorry? Bakit kaya?
"Walangya kang bata ka kelan ka pa nagsinungaling sakin?" Halos mangiyak ngiyak din ang kanyang ina at pinapalo niya si Iris gamit ang hanger
Anong gagawin ko?
Lumapit naman ako at pinatigil sila
"T-tama na po" saad ko na kinakabahan baka magalit din sakin yung mama niya.Lumapit ako kay Iris at pinatahan siya.
Bakit? Ano ba kasing ginawa mo Iris? Naaawa na naman ako sa kanya hayssst.
"Umalis ka na dito! Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala kang kwentang anak! Wala akong anak na haliparot!" Napahawak nalang sa sintido ang kanyang ina at kinaladkad palabas si Iris.
"Tama na po" saad ko
"Wag kang makialam!" Napahiya nalang ako sa sinabi ng kanyang ina. Bat ka pa kasi nakialam mama niya yan! Nakita kong walang suot si Iris na tsinelas kaya kumuha ako ng tsinelas dun sa lalagyanan nila.
Lumabas din ako. At awang awa na talaga ako kay Iris dahil luhod siya ng luhod sa kanyang ina. Pero di naman siya pinapansin. Pumasok na sa loob ang kanyang ina. Agad akong lumapit sa kanya.
"Alam kong di ka okay"
"Bakit? Hindi ba obvious?" Umiiyak parin siya. Pinatayo ko siya at pinasuot ang tsinelas. Yumakap nalang siya bigla sakin.
"Bat palagi ka nalang nandiyan sa tuwing nalulungkot ako? Nagiging sandalan na kita."
Nahuhulog ka na nga sakin. Tama nga ako. Napangiwi ako sa inisip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/142716672-288-k283693.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018