"Waaaaahhh ang laki laki mo na girlll!" Sigaw ni mori
"Tss para naman kitang kamag anak!" Tumawa pa kami
"Oh asan na ba yung sinasabi mong kasama mo? Talagang nagpasurprise ka pa ah!" Agad naman akong kinabahan grrrr. Hindi niya alam na si Clyde ang kasama ko
"Ahh heto siya" sabay turo ko sa likod ko. Lumapit si clyde samin at ngumiti pa ito. Tinanggal niya ang sunglasses niya at isinabit sa tshirt niya.
"Waaahh! Bat di mo sinabing magdadala ka ng gwapo maygad! Ipakilala mo ko sa kanya!" Bulong sakin ni mori. Gesshh ngumiti lang ako ng peke. Pangit ngiti lang ako dito pero kinakabahan na talaga ako.
"Hi I'm Clyde!" Sabi ni clyde. Omooo!
"Hello I'm Moriana! Charot Mori talaga! Te-teka.....A-anong sinabi mo?" Tanong ni mori. Omaygash. "Teka kapangalan to nung playboy ah?" Bulong sakin ni mori
"Uhmmm.....Siya talaga yan" bulong ko
"ANO?!" napasigaw nalang siya! Tsk tumalsik pa yung laway niya sa mukha ko
"Ah clyde this is mori, Ah mori siya pala si clyde hehe"
"Mag usap nga tayo"
"Ha? Eh b-bakit naman?"
"Ah clyde mag uusap muna kami ni Iris ah jan ka muna"
"Sige" at kinaladkad na ako ni mori papalayo kay clyde
"Bat di mo sinabing siya ang isasama mo?"
"Ah eh kasi--" di na niya ako pinatapos nang nagsalita ulit siya.
"Pero okay lang teh! Gusto ko na rin siyang makita sa personal! Girl! Ang gwapo niya pala talaga sa personal ah!" Sabay palo niya sa braso ko
"Aray!"
"Tara na nga! Punta na tayo dun!" Tumitili pa siya. Jusko mas malandi pa talaga siya kesa sakin.
Kinaladkad na niya ako. Nakatayo parin si Clyde doon, tumitingin sa dagat. Napalingon siya samin at agad siyang ngumisi.
Ngumisi rin ako haysst pabebe mode muna tayo. Siniko pa ako ni Mori tsk grabe to magalit kay Clyde sa telepono pero ngayon waw parang susuporta na ata.
Tinawag na kami ng mga dati naming kaklase. Kakain na daw. Budol fight pa! Grabe namiss ko tuloy to. First time siguro ni clyde to. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sakin
"Uhmm first time mo ba?" Bulong ko
"Ah oo hahah pero mukha namang masaya"
"Masayang masaya!"
Nagsimula na kaming kumain. Ang sarap ng pagkain rawr! Nakakamay lang kami noh! Napalingon ako kay clyde, nakakamay din siya hayst ang cute. First time niya sigurong magkamay kumain. Lumingon siya sakin at ngumisi.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagsalita si Ally
"Oy ipakilala niyo naman kami sa mga kasama niyo! Lalo na yang kasama mo Iris!"
"H-huh?"
"Kaano ano mo ba siya?"
napatingin ako kay clyde. "Ahh--"
"Nanliligaw ako sa kanya" agarang sagot ni clyde. ㅇ_ㅇ!!!
"Ayiiieeeeeeee" tukso nila samin.
"Bagay kayo ah!" Sabi ni ally. Thank ally labyo! Joke.
"Tao kami noh"
"Hindi sila bagay, bagay na bagay sila yieeee" sabi pa nung isa kong kabatch
"Eeheeemm tama na yan kumain na muna tayo!" Sabi ni mori.
Hayssstt.. -,- kala ko ba--Pagkatapos naming kumain ay ready'ng ready na silang maligo samantalang ako parang nahihiya pa. Eh kasi naman nandito si Clyde. Basta nakakahiya lang. Andaming naka bathing suit wao kalerke. Ang puputi nila
"Oh teh bat di ka pa nakabihis?" Tanong ni mori. Nihead to foot ko siya. Taray ah nakabikini siya.
"Mamaya nalang"
"Omg teh tignan mo si Clyde!!!!"
Tinignan ko na nga si Clyde. Naka sunglasses, titig na titig sa dagat.Nakatopless at nakashort. Omaygaassghh. Nakakatulo laway. Nakakahulog pantyyyy
"Kaya lang walang abs" dagdag niya. Tinignan ko nga yung tiyan niya. Totoo nga walang abs lol. Pero napakahot parin niya.
Hinubad ko na yung tshirt ko. Pero nakashorts pa din ako duh. Yung ibang babae lumalangoy na. Yung iba naglalaro pa ng volleyball sa dagat.
Lumapit na ako kay clyde
"Wag mo ng hubarin yang shorts mo" sabi niya
"Bakit?"
"Wala lang. Basta wag mo ng hubarin yan kahit maligo ka pa. Tignan mo nga yang bra mo nakakapang akit. Gusto ko ako lang ang maakit hindi yung may iba pa."
Inirapan ko lang siya. Tsk ang oa. Sarap liguan ng mai it na tubig
"Bahala ka" sabi ko
"Videoke tayo!" Kinalakad niya ako papunta dun sa videokehan tsk. Kainis talaga tong mokong na to.
"Kakantahan kita" sabi niya at umirap lang ako. Napakacorny sarap tirisin.
Naghanap pa siya ng kanta dun sa clearbook na punong puno ng kanta. Hanggang sa may napili na siya at pinindot na niya yung mga numero. Baby Blue Eyes yung title wow! Black naman yung kulay ng mata ko eh! Charot.... nagsimula na siyang kumanta. Yung mga kaibigan kong babae agad na lumapit dito at umupo. Papanoorin ba nila si clyde kumanta? Tsk!Tumugtog na nga yung musika at nagsimula na siyang kumanta
Ang ganda talaga ng boses niya. Tumitingin tingin pa siya sakin. Yung mga babaeng katabi ko naman panay tili tsk panira! Nakakakilig
Lumapit sakin si Mori.
"Wao napakatalented naman pala nito!" Paghanga ni mori sa kanya tumili pa siya.
Inirapan ko lang siya"Dati ayaw na ayaw mo kay clyde kasi playboy siya ngayon parang gusto mo na ata siya ha?"
"Ayyy buti pinaalala mo! Pag gwapo talaga eh yiiieeee kakausapin ko pa yan"
"Ha? Bakit naman?"
"Kakausapin ko ng maayos. Kokomprontahin ko lang. Bat ka ba kinakabahan? Aayyy naalala ko tanga ka pala!" Sinapak ko siya sa braso!
"Gaga!"
Nung nagchorus na ay sinabayan na siyang kumanta ng mga babae
"Baby, baby blue eyes,🎶
Stay with me by my side;🎶
'Til the mornin', through the night.🎶
Well baby,🎶
Stand here, holdin' my sides,🎶
Close your baby blue eyes;🎶
Every moment feels right.🎶
And I may feel like a fool,🎶
But I'm the only one, dancin' with you.
Oh..."
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018