Umuwi na nga siya hehe. Kinikilig na naman aketch.
Aish bat ba ako kinikilig? Para yun lang? Tsk! Pagpapanggap lang niya siguro yun -,- pero may mga kabayo!!
"Ma!"
"Oh bakit?"
"May kabayong lumilipad sa likod mo!" Tumingin naman si mama sa likod niya kahit wala naman talaga haha.
"Ayy animal kang bata ka! Tinakot mo ko nababaliw ka na naman!"
"Joke lang ma" di ko talaga mapigilang hindi ngumiti hahays!
"Ano yang nginingiti mo ha? Dahil ba yan sa BISITA mo?"
"Ma naman eh bat hinahighlight mo yang bisita ha?"
"May highlighter ba?"
"Tsk ewan ko sayo ma!"
Pumasok ako sa kwarto ko. Tumalon talon pa ako. Jusmiyo ano bang nangyayari sakin.
Pilit kong inaalala na playboy siya. Di kaya eksena lang yun lahat? Playboy siya Iris! Wag basta bastang magtiwala.
Maya maya ay natulog na ako.
Kinabukasan inaasar na naman ako ni mama bisita daw kasi tsk! Nagb-blooming daw ako lol.
Tinawagan ko si kea at nakipagkita ako sa kanya. Magsosorry lang ako sa kanya.
Nakamove on na ba ako kay Joseph? Sana nga....
"Bakit ka nakipagkita? Anong kailangan mo?"
"Uhmm gusto ko lang magsorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana magkaayos na tayo kasi namimiss na kita. Iniisip ko parin yung dating magkasama tayo, namimiss ko na ang pagkakaibigan natin sana bumalik uli yun" bumaba ang tingin ko sa lupa.
"Napakaplastic mo naman. Kung plastic ka mas plastic ako. Kaya ko ring makipagplastikan sayo. Kaya pwede ba yang mga drama mong yan hindi na uubra sakin! And by the way na postpone yung kasal namin ni joseph and I'm sure na magdidiwang ka. May pag asa ka pang mang ahas. O di kayay kahit pati may asawa na papatol ka parin sabagay malandi ka hindi na ako mabibigla pa." Di ko na kinaya tumulo na ang luha ko. Gusto ko lang naman talagang makipagbati ah! Kasi namimiss ko na talaga siya
Agad kong pinahiran ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Ako? Plastic? Urur never kitang plinastic! Trinato kitang kaibigan! Totoong kaibigan!
"May paiyak iyak ka pa jan! Best actress ka na talaga! Palakpakan" pumalakpak pa siya. Pinahiran ko ang aking luha.
Baliw ka na talaga...
"Matanong kita. Naging totoo ba talaga kitang kaibigan?" Tanong ko
"Actually dapat ako ang magtanong sayo niyan lakas din ng loob mo noh? Nagmamalinis ka! Ha! Alam mo bang naiinis na ako o di kayay kumukulo ang dugo ko pagnakikita kita"
Kung alam mo lang kumukulo na din ang dugo ko sayo! Isa nalang! Malilintikan na talaga kita!
Tinalikuran niya ako.
"Ay teka lang" bumalik siya sakin. Bigla niya nalang akong sinampal "isa para sa pagiging malandi mo! Magbago ka na!" Sinampal niya ulit ako "dalawa para yan sa pagiging ahas mo!" Sinampal niya ulit ako "pangatlo para yan sa pagiging plastic mo sakin!
Napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng pisngi ko habang hawak ko ang pisngi ko at patuloy dumadaloy ang aking luha.
Akmang sasampalin niya na ako nang nasalo ko ang kamay niya! Nanginginig pa ako sa sobrang galit ko.
Eh sampalin ka ng ganun? Ansakit kaya!
"Nanggigil na talaga ako sayo Kea! Tinitiis ko lahat ng masasakit na sinasabi mo sakin! Akala ko naging mabuti kitang kaibigan! Parati mo nalang binabaliktad lahat! Sana pag pinagsalitaan mo ko, sana hindi ka matamaan! Kasi naawa ako sayo! Parang pinatatamaan mo lang yang sarili mo!" Sinampal ko siya gamit ang kanyang kamay na hinawakan ko!
Sasampalin ko na sana siya nang may pumigil sa kamay ko.
Paglingon ko...
"J-joseph"
"Wag mo siyang saktan!!"
Ayy wao so ako na yung masama ngayon?
Agad namang yumakap si Kea kay Joseph.
"Joseph siya kasi eh! S-sinampal niya lang ako bigla. Nakipagkita siya sakin akala ko magkikipagbati na siya sakin pero aawayin lang pala niya ako" tumingin si joseph kay kea saka bumaling sakin.
Ano bang sinasabi niya? Putcha best actress!
Umiling iling naman ako "hindi yan totoo! Kea wag mo ngang baliktarin!!"
"Tama na!" Sigaw sakin ni joseph na agad kong kinabigla.
"Iris please tigilan mo na to. Mag move on ka na sakin. Wag mong idamay si kea. Kung naghihiganti ka dahil sakin wag mong idamay si Kea. Wag mo siyang saktan. Wag mo na akong mahalin kasi ako hindi na kita mahal."
Wao ang lakas ng loob!
"Joseph babe siya kasi! Sabi niya aagawin ka daw niya. Sobrang saya pa nga niya eh kasi napostpone yung kasal natin" sabi ni kea.
Ulol!!
"Best actress ka na! At saka joseph wag kang mag assume hindi ikaw ang rason kung bat ako nakipagkita sa kanya. Akala mo kung sinong gwapo! Sos! Kung akala mo ako pa yung dating babaeng patay na patay sayo pwes ngayon hindi na! Nandidiri na nga ako sayo eh" Sabi ko sabay palakpak.
Nanggigigil na ako sayong bruha ka. Di ko inakalang babaliktarin mo ko bwesit ka! Pero napaisip ako sa sinabi ni Joseph sakin
Wag mo na akong mahalin kasi ako hindi na kita mahal
Wag mo na akong mahalin kasi ako hindi na kita mahal
Wag mo na akong mahalin kasi ako hindi na kita mahal
Nagpabalik balik nalang sa isipan ko. Di ko namalayang umalis na pala sila sa harapan ko. Kasabay ang pagtulo ng luha ko ay ang pagtulo ng ulan sa ulo ko.
Siguro di pa ata ako nakamove on sa kanya kasi nasaktan ako sa sinabi niya....
Tumingin pa ako sa itaas. Umuulan na nga. Pagbaling ko ay nakita ko si Clyde mga 10 meters away ata.
Tumitingin sakin. Habang nagdadala ng payong. Naglakad siya patungo sakin. Ewan ko ba kung mabilis siyang naglakad eh kasi naman nagslow motion siya sa paningin ko.
Wao may ganun? Corny
Nabalik na ako sa wisyo nung niyakap niya pala ako. Agad kumalabog ang dibdib ko. Nasa iisang payong kami at pinagmamasdan ko ang ulan.
Pati ang pagbagsak ng ulan ay nags-slow motion din. Tas yung mga kabayong lumilipad! Slow motion din.
Hindi naman ako nakadrugs ah?
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018