CHAPTER FOURTEEN

926 19 1
                                    

> Iris Clemonte's point of view <

Habang tulog si Clyde ay nag usap pa kami ni Mori, yung close kong bakla sa telepono. Updated siya sa nangyayari sakin kasi kinikwento ko naman sa kanya lahat ng nangyayari sakin sa tingin ko siya nalang ang natitirang totoo kong kaibigan. Last week pa ata kami nag usap.

Siya: nako ikaw ha! Ikaw na nga nagsabing playboy yang clyde na yan! Tas parang nahuhulog ka na sa kanya! Naku may kutob talaga ako jan sa clyde na yan!

Ako: naku wag naman sana. Tsaka parang bumait na siya eh

Siya: ay ikaw bahala. Oh kumusta na kayo ni bruhang kea?

Ako: ayun bruha parin siya

Siya: hay naku ikaw talaga nasan na yung pagiging warfreak mo dati?

Ako: hayst nagiging mahina kasi ako pagdating sa kanya shempre kaibigan ko yun

Siya: hindi mo yun totoong kaibigan teh! Trinato ka ba niyang kaibigan? Naku ikaw ha? Tigilan mo na yang pagiging mabait mo sa kanya kasi kung ako ikaw, basag na yang mukha ni kea!

Ako: oo na! Last nalang pag nauulol na naman yun lagot na siya sakin

Siya: oh sige hihintayin ko yan ah! At saka dapat makita ko sa personal yang clyde na yan kasi nakakasawa yung pags-stalk ko sa kanya sa fb!

Ako: oo na! Di niya naman siguro ako lolokohin diba?

Siya: hallleeerrr! Magkano ba yung pagiging tanga teh? Bentang benta ka ah? Diba ikaw na nga nagsabing playboy yung tao tapos sasabihin mong hindi ka lolokohin? Pinaglalaruan lang yang feelings mo! Tas pagnahulog ka sasaluhin ka ba? Shempre iilag siya! Hahayaan kang mahulog sa patibong niya! Titingnan ka lang niya kahit sobrang nasaktan ka sa pagkahulog mo! Tas yang Keana'ng yan! Nanggigigil na talaga ako sa kanya pramis! Sarap niyang tirisin!

Ako: oh chill ka lang! At tsaka mag iingat na ako kay Clyde. Di ako mahuhulog sa kanya pramis

Siya: anong hindi? Hello mas mabuting iwasan mo nalang yan kesa naman pigilan mong wag mahulog sa kanya. Teh nagpapakilig siya sayo! Imposibleng di ka mahulog dun! Ano ka? Manhid? Anong akala mo sa puso mo? Bato? Sana naman mag isip ka habang maaga pa kesa naman sa huli ka pa magsisisi.

Ako: oo na oo na okay? Mamaya na muna kita tatawagan kasi andito na si mama

Siya : sige bye labyo

Ako: labmyself too

Nakita ko na si mama nagmano ako kaagad

"Mano po ma!" Pero agad niya itong hinawi.

"Walangya ka!" Bigla niya nalang akong sinampal. Di ko magalaw ang mukha ko dahil namanhid sa sobrang lakas ng pagkakasampal

"Ma? B-bakit ma?"

"Kelan ka pa nagsinungaling sakin?! Kelan pa?"

"A-nong sinasabi mo ma?"

"Isa kang haliparot!" Kumuha siya ng hanger at pinapalo ako. Aray naman T^T para akong bata

"Ma tama na! Hindi ko po alam ang sinasabi niyo"

"Nag mamaang maangan ka pa ha? Nagpupunta ka pala sa bar? Ilang lalaki na ba ang nakapasok sayong bata ka?"

Pinapalo niya parin ako. Umiyak na ako sa sobrang sakit.

"Saan ba ako nagkulang? Saan?!" Nakita ko na nangingiyak iyak na si mama. "Hindi kita pinalaking ganyan! Buong akala ko kaya palagi kang umuuwi sa madaling araw kasi may trabaho ka!!! Dahil yun ang sabi mo!! Niloko mo ako! Hindi lang ako. Pati ang papa mo!! Hindi ka man lang nakonsensya?? Ha?" Sinampal niya rin ako ng paulit ulit. Hinawakan niya ang baba ko.

"Saan ako nagkulang? Saan ba? Napakasakit kasi anak kita! Ginawa namin lahat para sayo pero anong ginawa mo sa sarili mo?! Naging ganyan ka dahil sa isang lalaki? Napakahaliparot mo! Wala kang kwentang anak! Wala akong anak na haliparot"

Nagulat nalang ako nang lumapit si clyde sakin at pinapatigil si mama pero di siya pinapansin hanggang sa kinaladkad ako palabas.

Nakakahiya kasi andito pa talaga si Clyde.

Malakas talaga ang kutob kong si kea yung nagsumbong. Kinuyom ko ang aking palad.

Tumayo ako at pumasok kaagad sa kotse ni clyde. Pumasok din siya.

"San mo gustong pumunta?"
Di ko siya pinansin tinawagan ko kaagad si bryan

Siya: hello Iris bat napatawag ka?

Ako: nasan si Kea?

Siya: nandito siya sa bar bakit?
Agad ko na itong binababa at saka bumaling kay clyde

"Dalhin mo ko sa bar"

"H-huh? Bakit?"

"Bilis!" Agad naman niya itong pinaandar

Nandito na kami sa labas ng bar. Nangangati na agad ang palad ko. Pati mama ko ginamit niya pa! Animalism! Kumuyom ang aking palad. Pinagsusuntok at pinapalo ko si clyde. Iniimagine kong siya si kea. Sinabunot ko rin ang buhok niya kahit nahihirapan akong sabunutin kasi maiksi.

"Araaayyy! Tama na nga! Ano bang nangyayari sayo? Bat ako yung tinatarget mo? Bat sakin mo nilalabas yang galit mo?" Bigla nalang akong tumawa habang umiiyak. Nababaliw na ata ako.

Lumabas ako sa kotse ganun din siya. Pumasok ako sa loob. Nakita ko si Kea nakikipaghalikan kay Joseph. Biglang sumakit ang dibdib ko. Bat ba ako nandito?

Aarrrggghhhhh!!!! Nilapitan ko sila at agad naman silang natigil sa paghalikan. Tumingin sila sakin

"Oh hi Iri--" di ko na siya pinatapos dahil agad ko siyang sinampal ng dalawang beses.

Sinabunotan ko siya sa kanyang buhok sigurado akong masakit yun sa anit kasi sobrang lakas ng pagsabunot ko sa kanya parang matatanggal na yung buhok niya. Inawat ako ni Joseph pero di ako nagpatinag.

Hawak hawak ko parin ang buhok niya habang siya naman ay panay iyak sa sobrang sakit.

"Tama na!!" Sigaw ni Joseph pero nagpatuloy parin ako. Yung mga tao doon pinagtitinginan lang kami.

Nanonood sila nagform pa nga ata sila ng hugis bilog. Pinaharap ko si kea sakin hawak hawak ang buhok niya at siya naman ay hinawakan ang ulo niya sa sobrang sakit ng anit niya.

"Ang lakas naman ng loob mong sabihin sa mama ko ha? At ikaw pa talaga ang nagsabi? Wala ka sa posisyon pero grabe ka! Dati nagpipigil lang ako sa sarili ko kasi kaibigan kita! Pero ngayon punong puno na ang pasensya ko sayo!" Sabi ko at nanginginig pa ako sa sobrang galit. Tumulo na rin ang luha ko.
 
Binalibag ko siya sa upuan at alam kong masakit yun sa likod yun. Awwww nakakaawa ka naman. Kinuha ko ang alak na nasa mesa at ininom. Hindi ko naman inubos eh kasi naman ang tapang ng lasa kaya binuhusan ko nalang siya sa ulo.

Bigla nalang may tumulak sakin kaya nauntog yung ulo ko sa isang upuan. Wala namang dugo pero masakit.

Hinawakan ko ang ulo ko at nagbukol. Nilingon ko kung sino ang tumulak sakin si joseph...

Inis akong tumayo at kinuha ang juice at tinapon ang laman sa mukha niya. Napapikit siya.

Hinawakan ni clyde ang kamay ko at kinaladkad palabas. Nakakainis lang kasi akala ko magsusuntukan silang dalawa.

Akala ko ipagtatanggol niya ako kasi naman tinulak ako. Pero wala eh grabe naman ako mag expect tss. Di na ako mag aassume sa susunod. Nakakainis na.

Hinawi ko ang kamay kong hinawakan niya. Pinalo ko siya nakakainis eh! Tumakbo pa siya. Kumuha ako ng bato, maliit lang naman. At binato siya bugsh! Haha lol naheadshot siya!

"Aarraayy" sabay hawak niya sa ulo niya. Agad naman akong lumapit sa kanya opps.

"Sorry"

"Bat sakin mo nilalabas yang galit mo?"

"Kasi nag iinit ang dugo ko pagnakikita kita!"

May tumawag sa kaniya tsk. Kaya agad niya naman itong sinagot

Siya: hello?..... a yes babe...... sige babe...... labyo din

B-b-babe? Parang kumirot yung dibdib ko. Di ka parin pala nagbabago

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon