CHAPTER SEVENTEEN

821 19 0
                                    

> Iris Clemonte's point of view <

"Anak aalis lang muna ako ha"

"Sige po ma"

Hays san naman kaya ang punta niya?

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Dali dali kong kinuha dahil akala ko si Clyde yung nagtext, pero si Henry pala. -,-

Siya: pwedeng pumasok? Umalis naman yung mama mo eh

Ako: ha? Pumasok saan? Pano mo nalaman na umalis si mama? Teka sa alin ba?

Siya: sa bahay niyo

Ako: huh?? teka nasan ka ba? A-alam mo ang address ko?

Siya: oo. Papasok na ko ah?

Napalingon nalang ako sa pintuan ng bumukas ito. Siya nga. Ano bang ginagawa niya dito?

Bigla nalang akong kinabahan watdapak parang manyakis eh.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko

"Ikaw"

"Huh? Anong ako?"

"Gusto lang kitang makita"

"Eh bakit naman?"

"Andami mong tanong" tsaka nilibot ang kanyang paningin sa bahay namin.

"Eh bigla ka kasing sumulpot. Wala naman akong natatandaan na binigyan kita ng address ko. Sinusundan mo ba ako?"

"Eh kung sasabihin kong oo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Naalala ko si Clyde dahil palagi niya akong sinusundan.

Ganda problems talaga. Yung palagi kang hinahabol charot.

"Hayst umuwi ka na nga! Baka maabutan pa tayo ni mama! Tas iba iisipin nun"

"Kaaalis lang niya, dadating agad?"

Waw ha! Napakawise mo rin eh no?

"Okay. So ano nakita mo na ako pwede ka ng umalis?"

"Teka bat mo ba ako pinapaalis agad? Ganyan ba ang trato mo sa bisita mo?"

Naalala ko na naman si clyde yung word na 'bisita' kasi aarrrgghhh tama na sa kakaisip sa kanya.

"Eh anong gagawin mo dito sa bahay?"

"Hindi mo man lang ba ako pauupuin?"

"Aaarrrgggghhhh! Edi umupo ka jan! Andami mong satsat! Sobrang kulit mo!"

"Init ng ulo ah?" Inirapan ko lang siya. Bat ba kasi andada pwede namang umupo siya. Wala namang masama kung umupo siya! Punyeta

Nakakaawkward kasi shempre may nangyari samin tapos ganito hayst kaiyak naman.

"Templa lang ako ng juice" sabi ko. Kunyari lang para di ako maawkward ang tahimik eh

"Ah wag na. Hindi naman ako magtatagal dito eh" bigla nalang akong nakonsensya sa pagtrato ko sa kaniya.

"Sigurado ka?"

"Ah oo. Gusto kong matikman ang juice mo"

"Ha?" Gague anong sinabi mo? Pekyo ka! Bigla nalang siyang tumawa. Ang creepy mo! Parang iba agad yung naintindihan ko sa juice ko daw. Gague

Umupo ako sa sofa. Shempre yung malayo sa kanya.

Pero agad naman siyang tumayo at tumabi sakin. Lumipat ako ng upuan ganun din siya. Palagi siyang tumatabi sakin. Kainis Nakangisi lang siya.

"Ano bang problema mo?"

"Wala naman. Ikaw? May problema ka ba?"

"Oo at ikaw ang problema ko!"

Tumayo siya at luminga linga pa. "Nasan yung kwarto mo?"

May naalala na naman ako. Bakit? Matutulog din ba siya?

"Ah yun!" Sabay turo ko sa pinakahuling pintuan doon.

Pumunta siya roon at pumasok. Sumunod din ako sa kanya. Pagpasok ko doon ay nilingon niya ako.

Bigla siyang lumapit sakin, umatras naman ako hanggang sa nacorner na niya ako. Kinabahan ako peste ka.

" a-anong ginagawa mo?"

"Wag ka ng maingay"

Agad niya akong hinalikan sa labi kaya sinapak ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako at hindi ako makagalaw, yung siko niya nasa kamay ko at yung kamay niya nakawak na sa ulo ko.

Sinubukan kong labanan pero ang lakas niya. Sinuntok niya ang aking tiyan kaya nanghina ako. Tinapakan niya din ang aking mga paa. Sobrang sakit pa dahil ang bigat bigat niya hindi ako makagalaw.

Patuloy parin siya sa paghalik sa aking labi at sa leeg.

Kinarga niya ako at mabilis na tinapon sa kama. At sumakit ang likod ko hindi naman malambot yung kama ko, naalala kong kahapon sumasakit pa ang likod ko dahil sa pagkabagsak ko. Bwesit

Napapikit nalang ako sa sobrang sakit. Hanggang sa pumunta na siya sakin. Pumatong siya sa akin habang nakangisi. Sabay kaming napalingon nang narinig namin ang pagbukas ng pinto.... at bumungad si Clyde.

Tumingin siya sakin at parang nagulat pa siya dahil sa nakita niya ang position namin ni henry.

Please tulungan mo ko mali yang iniisip mo! Hindi ako makasalita ewan ko kung bakit.

Nabitawan niya nalang ang bulaklak na dala niya. Teka bat siya nagdala ng bulaklak? Para sakin ba yan?

Agad nalang siyang umalis. Mali yang iniisip mo! Hindi na masyadong malakas ang pagkakapit sakin ni Henry kaya tinulak ko siya at dali-daling sinundan si Clyde.

Kahit hinang hina na ako tumakbo parin ako. Nakita ko siyang nakatingin sakin sa rear mirror, nanlisik ang kanyang mga mata. Umiling iling ako sinasabing mali ang kanyang iniisip. Pero agad niya nalang pinaharurot ang kanyang sasakyan. Tumakbo ako inaasahang maabutan ko siya o di kayay hihinto siya pero hindi. Hanggang sa napaluhod nalang ako dahil sa sobrang hina. Umiyak nalang ako.

Bakit ka ba ganyan? Ano ba talagang nararamdaman mo sakin? Maya maya ay bumalik nalang ako sa bahay. Wala na si Henry doon. Inayos ko ang sarili ko at insaktong dumating na si mama. Nagmano ako sa kanya. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ko at nag ayos sa mga gamit kong nasa sahig.

Pagkatapos ay humiga ako at tinignan ang cellphone ko. Hindi siya nagtetext o di kaya tawag. Wala rin siyang chat sakin. Tinawagan ko siya pero nagriring lang, di niya sinasagot. Pang sampu ko ng tawag ganun parin. Bat ba di niya sinasagot? Tinext ko nalang siya

Ako: mag usap tayo please

Ako: sagutin mo yung tawag ko

Ako: mali yung iniisip mo kanina.

Ako: maniwala ka sakin

Pero di parin siya nagrereply. Biglang may kirot sa puso ko. Wag mo naman akong baliwalain. Please paniwalaan mo naman ako. Tumingin ako sa kisame.

Tinawagan ko si mori kinwento ko sa kanya lahat.

Siya: naguguluhan talaga ako sa clyde na yan eh! Bat ba siya ganyan sayo? Hampaslupa! Kung may gusto siya sayo bat hindi ka hinayaang mag explain? Bat di siya nagrereply sayo? Nabwebwesit na talaga ako jan ha. Noon pa lang! Tas yang henry? Tsk bat ka kasi sumunod sa kanya! Bobita!

Ako: alangan namang hayaan ko lang siya sa kwarto ko noh?

Siya: wala kang tiwala sa kanya? May nanakawin ba siya?

Ako: haayysst ewan ko sayo

Siya: bat mo pa siya sinundan? Gaga ka ba? Tumatakbo ka tapos siya nakakotse ang totoo? Ganyan ba talaga? Nakakabobo ba ang pagmamahal kay Clyde?

Ako: tss shut up di mo ko naiintindihan kasi feelings ko to

Siya: alangan namang feelings ko noh?

Ako: bye na nga

Binaba ko na kaagad ang cp ko kainis eh pero may point din siya. Hayss bahala na nga.

Pinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa nakatulog ako

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon