CHAPTER EIGHTEEN

849 22 5
                                    

Paggising ko tinignan ko kaagad ang cellphone ko. Wala parin siyang text, tawag o chat man lang. Puntahan ko kaya siya? San ba siya nakatira? Tinawagan ko si bryan at agad naman itong sinagot. Tinanong ko sa kanya kung saan nakatira si clyde buti naman at tinuruan niya ako.

Sumakay ako ng taxi papunta roon. Pagdating doon ay kinabahan na kaagad ako. Malaki ang bahay nila kulay itim yung gate nila tas yung bahay nila may kulay black at white. Hunted house? Lol

Nagdoorbell na ako. May lumabas na isang katulong at tinanong ako kung sinong kailangan ko. Infairness tong katulong na to medyo maputi kesa sakin ediwaw. Tsaka parang magkasing edad lang kami nito abay ewan.

"Uhmm nanjan po ba si clyde?"

"Ahh opo. Bakit po?"

"Uhmm kailangan ko kasi siya eh ahhmm.... busy ba siya?"

"Hindi naman po siya busy, nanonood lang siya ng tv sa sala. Teka lang po sasabihan ko siyang may bisita siya" akmang tatalikuran na niya ako pero pinigilan ko siya.

"Ahhmm.... kailangan ba talagang pagsabihan mo siya? Ahm... di ba pwedeng surpresa nalang? Ako nalang ang pupunta sa kanya"

"Ay di po pwede maam"

"B-bakit?" Grabe ang oa naman nito tsk.

"Basta hindi po pwede. Maghintay nalang kayo jan"

"Ah sige"

"Maghintay lang po kayo jan maam"

"Sige po" tsk! Taray ah! Ganyan ba ang tinatrato niyo sa mga bisita niyo? Pinaghihintay sa labas? Nganaman mga mayayaman! Kailangan pa ba talagang ulit ulitin yung maghintay? Tsk

Nangangalay na ang paa ko sa kakatayo kaya umupo nalang ako dun sa semento. Shempre pinagpag ko muna noh. Andaming mga alikabok at patay na dahon!

Grabe antagal naman nung katulong na yun kailangan talagang magspeech yun? Insaktong dumating na yung katulong nila.

Buti naman. Kaya agad akong tumayo at pinagpag ang pwet ko. Hinihintay ko lang ang sasabihin niya. Tinignan ko pa ang likod niya nagbabakasakaling nandun si clyde pero wala -,-

"Ah maam sorry po di daw kayo pwedeng pumasok"

"Ha? Bakit naman po?"

"Di niya po sinabi eh"

"Papasukin mo nalang ako please"

"Ay di talaga po pwede maam" agad niya ng sinara ang gate. Aarrrgghhh ang arte!

Para din tong guard eh! Sa sobrang inis ko hinampas ko ang gate nila! Kagigil eh! Kaya biglang bumukas ang gate. Bumalik yung katulong haha

"Ano bang problema niyo maam?!!" Ay aba anlakas pa ng boses niya. Sinisigawan niya ba ako? Ay malamang! Bait baitan ka lang pala sa una tsk.

"SI CLYDE NGA!" ayan napasigaw tuloy ako! Kabwesit tong kstulong na to eh sarap tirisin!

"Bitch! Pagsinabing ayaw ka na niyang kausapin, AYAW NIYA NA TALAGA!!!"

"Hoy anong bitch?! Gago ka ba?!" Kitang kita ko sa mukha niyang natakot siya nang lumapit ako sa kanya kaya agad siyang pumasok sa loob at sinarhan ang gate. "BOOOOO DUWAG!" Sigaw ko.

Tapang tapangan eh duwag naman pala! Kainis!

Wala na akong nagawa kundi tinext ko nalang si clyde.

Ako: clyde nasa labas ako papasukin mo ko please

Ako: wwoooyyy magreply kaaaa!

Ako: HOY BWESIT!

Tinawagan ko siya pero e-nend niya lang. Aisssshhh! Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kahit wala naman talagang makati.

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon