Dedicated para sa mga taong nagmahal ng lubusan, pero ginawang PANSAMANTALA lang.
---
Hindi ako isang bagay na kapag ayaw mo na ay isasantabi nalang,
Hindi ako gamit na matapos mong gamitin ay babalewalain mo na,
Hindi ako nabuhay na kapag nasasaktan ka ay doon ka lang lalapit,
May pakiramdam rin ako,
May pakiramdam na nararamdaman sa tuwing nasasaktan ng paulit ulit,
Ano nga ba ko para sayo?
Isang gamit o bagay ba na kapag hindi mo na kailangan ay iiwan nalang sa isang tabi,
Na kunyari ay hindi kinailangan nang masaktang muli,
Tao ako, tao na nasasaktan rin,
Hindi unan na iniiyakan sa tuwing gabi,
Hindi panyo na iniiyakan sa tuwing nasasaktan,
Hindi kumot na kailangan lang kapag nilalamig,
Hindi sasakyan na kapag pagod ka na sa paglakad ay gagamitin mo na,
Hindi ako pansamantalang nilalapitan lang kapag hindi mo na kaya
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.