Oras

238 2 0
                                    

Para sa mga taong hindi binibigyan ng oras o pansin. Sa madaling salita Binabalewala ng mga taong mahal nila.
---

Oras ang kailangan nya,
Bakit hindi mo maibigay sakanya?
O pampalipas oras mo lamang sya,
Sa tuwing ika'y walang magawa,

Oras ang dapat ibigay,
Hindi ang kahit anong materyal na bagay,
Dahil oras mo ang kailangan nya,
Para maramdaman kung mahal mo ba syang talaga,

Mahirap bang iparamdam na mahalaga sya?
Sa kaunting oras na dapat ay meron sya,
Kung hindi mo rin bibigyang pansin ang halaga nya,
Baka isang araw mawala na ito bigla,

Ngayon palang isipin mo na,
Kung pagpapatuloy o ititigil mo na,
Dahil sa ginagawa mo nasasaktan na sya ng sobra,
Ang pagbabalewala sa pagmamahal nya.

Tula para sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon