Dedicated to TehChararat
May kilala akong inosente,
Inosente pagdating sa bagay-bagay,
Inosente nga ba?
O painosente para sa mga asawa?Yan sya diba?
Ang alagad ni Cecelib sa pagbasa ng istorya,
Mga possessive men na kanyang inaasawa,
Na kahit hindi totoo talagang ipaglalaban nya,Masaya kapag sya na ang kausap,
Dahil kahit anong usapan mapapasabay ka,
Saya at ligalig na dala nya,
Hindi ka tatamarin kapag kausap mo na sya,Sya man ay may problema,
Na kahit mabigat hindi nya iniinda,
Sa lahat ng anggulo matatag sya,
At kahit na mahirap ito'y madadala nya,Sya ay pinangalanang Wina,
Likas ang pagiging mabait at matulungin nya,
Pasasayahin kung ika'y malungkot na,
Sasamahan at tutulungan ka kahit sa anong problema.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoésieTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.