Alam mo bang mahal kita?
Alam mo bang minamahal pa rin kita.
Alam mo bang nasasaktan mo ako ng hindi sinasadya,
Pero nasasaktan mo na 'ko ng sobra.Ano bang dapat gawin?
Para ika'y tuluyang limutin
Ng pusong sayo pa rin nakatingin
At isip ko'y ika'y iniisip pa rin.Tama pa ba ito?
Ang patuloy na magpakahibang sayo
At paniwalaan na ika'y magkakagusto
Sa tulad kong kaibigan lang ang turing mo.Bakit nga ba ikaw pa?
Marami naman dyang iba
Pero ikaw pa rin ang dinidikta
Ng puso't isip kong nasasaktan na.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.