Taong hindi mo kilala,
Pero nagkakilala dahil sa social media,
Iisang hilig ang nasa puso ng bawat isa,
Kaya pagkakaisa naging madali para sakanila,
Mga istoryang kinahumalingan,
Dahil mga manunulat dito'y masyadong ginalingan,
Kaya mga taong hindi mo alam ang pagkakakilanlan,
Ngayo'y dito naging magkakaibigan,
Wattpad Social Media Buddies kung tawagin,
Wala kanang ibang hihilingin,
Dahil sakanila nag iba aking tingin,
Na hindi pala lahat ng kaibigan kaya kang lokohin,
Turing ko sakanila'y isang pamilya,
Sa pagbuo ng maraming ala-ala,
Na hindi mo aakalaing magiging masaya,
Dahil kayang solusyonan kahit anong problema,
Wattpad ang naging daan,
Kami'y nagkakilala kung saan,
Kaligayaha'y walang paglagyan,
Dahil nagiging matatag aming samahan,
Sobrang laki aking pasasalamat,
Dahil sa wattpad may nakilala akong taong tapat,
Ito'y masasabi kong sapat,
Dalawang salita dapat sabihin kundi maraming salamat,
Tayo'y magkikita sa huli,
Kahit ito'y hindi magiging madali,
Dahil milya-milya ang kailangan nating tawirin,
Pero pangarap nati'y gusto kong tuparin,
Salamat sa ngiting ibinigay,
At lungkot sa mukha'y hindi bagay,
Pero ito ang naging dahilan,
Para tayong lahat ay maging magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoesiaTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.