Pwede ba?

139 3 0
                                    

Pwede bang ako nalang?
Pwede bang ako naman?
Pwede bang kahit konting pagmamahal sana'y iyong mabigyan,
Pwede ba, pwede ba?


Para akong isang batang gala,
Batang nawawala,
Nawawala na naghahanap ng isang kakalinga,
Na bibigyan ng isang halaga,


Ganito nalang ba ako?
Manglilimos ng pagmamahal mo,
Pagmamahal na pilit kong hinihingi sayo,
Ngunit pilitin ko man hindi pa rin maibibigay dito.


Mahal mo ako,
Mahal mo ako bilang kaibigan,
Hindi bilang kasintahan,
Masakit man, ito'y aking tatanggapin ng maluwag sa kalooban.

Tula para sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon