Isang salita,
Pero napakahalaga,
Relasyong kailanman hindi hahayaang mawala,
Kaibigan kita,
Kaya mahal kita,
Galit mo saki'y iniintindi,
Na kahit masakit hindi ko iniinda,
Ayaw kong ika'y mawala,
Dahil ikaw ay kayamanan ko,
Isang kayamanang iniingatan,
Na hindi kayang mawala kailanman,
Naalala ko noon,
Kasiyahan nati'y walang batid,
Walang segundo, minuto at oras na sinasayang,
Kapag tayong dalawa ang magkasama,
Kapatid ang turing sa isa't isa,
Kahit sa dugo hindi tayo magkapamilya,
Pero sa puso tayo'y iisa,
Ayokong mawala ito na parang isang bula,
Na sasayangin ang pinagsamahan nating dalawa,
Gagawin ko lahat maibalik lang ang pagiging malapit natin sa isa't isa,
Salamat, salamat
Dahil ikaw ay nakilala,
Walang papalit sa iyong pwesto,
Pwesto rito sa aking puso,
Naalala ko noon,
Kung paano tayong nagsimula,
Nagsimula sa isang usapan,
At doon nabuo ang ating pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.