Bakit ganyan ka?
Hindi mo inisip ang nararamdaman ng iba,
Sarili mo lang ang iyong inuuna,
Kahit nasasaktan mo na sya,Heto ako ngayon,
Pilit bumabangon,
Dahil sa sakit na idinulot,
Sa puso kong nalulungkot,Pinaasa ng matatamis mong salita,
Umasa na mamahalin mo rin bigla,
Pero umasa rin pala sa wala,
Sa wala na tila ba may pag-asa,Tama na nga,
Dahil puso ko'y pagod na,
Na mahalin ang isang tulad mong paasa,
Na idinaan sa pagbibitiw ng salita,
Siguro nga tama ako,
Na hindi magiging ikaw at ako,
Dahil pinaasa mo lang ng husto,
Ang taong alam mong ikaw ang gusto,Mahal kita, Oo,
Pero ititigil ko na ito,
Dahil nasasaktan na ang puso,
Pati na rin ang buong pagkatao,Titigil ako dahil gusto ko,
Hindi para ipakitang tanga ako,
Minahal naman kita ng totoo,
Pero hindi pala ako ang gusto,Ito na ang huli,
Hindi ko na ipapakitang muli,
Na minahal kita dati,
Dahil ito'y isang pagkakamali.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoëzieTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.