Heto't mag isa nanaman,
Bumabalik sa ating nakaraan,
Nakaraan na mahirap kalimutan,
Nakaraan na puno ng kasiyahan,
Nakaraan na parang walang problemang pinagdaanan.Mahal,
Binalikan ko kung paano tayong nagkakilala,
Kung paano tayo'y naging masaya,
At kung paanong ikaw at ako ay naging isa.Mahal,
Naalala mo pa ba?
Mga pangako natin sa isa't isa,
Pangarap na naglaho na parang bula.Mahal,
Patawarin mo ako,
Sa mga kasalanang nagawa ko sayo,
Mga sakit na pinaramdam sa puso mo,
Patawad mahal, dahil hindi ako perpekto.Mahal,
Ikaw ang mundo ko,
Pero ngayon ito'y gumuho,
Dahil wala kana sa piling ko.Mahal,
Ako pa rin ba ang mahal mo?
Alam kong nabawasan na itong nararamdaman mo,
Sabihin mo lang na "mahal kita" kakapit ako kahit sumuko ka na.Mahal,
Mahal na mahal kita,
Hindi magsasawang sabihin sayo iyang kataga,
Kung paanong minahal kita ng sobra sobra.Babalik ka pa ba?
Maghihintay pa rin ako na bumalik ka,
Kahit alam kong ito'y malabo na.Nandito lang ako,
Magmamahal ng patago,
Susuportahan sa lahat ng gusto mo,
Hindi ka iiwan kahit nasa malayo.Salamat mahal,
Sa pagmamahal na pinaramdam,
Pagmamahal na ikaw lang ang nagbigay,
Pagmamahal na hindi kayang tumbasan nino man.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.