Kahit masakit bumitaw na,
Bumitaw dahil wala ng kakapitan pa,
Pilit kumapit kahit wala naman talaga,
Hanggang dito na nga lang siguro tayo,
Dahil hindi tayo pinagtagpo,
Hindi rin naman itinadhana,
Dahil kung tayo ngang dalawa,
Hindi naman masasaktan ng ganito,
Pero dito palang sa simula,
Ako'y nasasaktan mo na,
Mahal nga kita,
Pero masakit na,
Masakit na umasa pa,
Sa mga pakilig mong salita.
Ano nga ba talaga tayo?
Kahit alam kong hindi magiging tayo,
Dahil iba ang gusto,
Na kailanman hindi magiging ako,
Ako lang naman ang may gusto,
Kaya walang karapatan para magtampo,
Pero may karapatan na masaktan,
Dahil ako'y may nararamdaman.
Bibitaw ako kahit masakit,
Sa sakit na naramdaman ng paulit ulit,
Na sobra sayo ang hinanakit,
At sayo parin pilit kumakapit.
Ang mahalin ka ay mali,
Ako lang naman ang iiyak sa huli,
Hindi na magpapakatanga pang muli,
Dahil walang pangakong mababali.
Tama na ito,
Hindi na magpapakahibang sayo,
Kahit puso ko ikaw ang gusto,
Pero pagmamahal ko sayo,
Ititigil na para sa kasiyahan ko.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.