Ang kaibigan ng lahat

257 6 1
                                    

Dedicated to itsmeranzielle

Pandak sya kung tawagin,
Pero kung magalit gusto kanang sakalin,
Mataba man sa inyong paningin,
Ngunit masarap naman mahalin,

Kaibigan ang turing sakanya,
Dahil sa angking bait na meron sya,
Pang-aasar na binabato sakanya,
Pero sasabay at aasarin ka rin nya,

Pag-aasaran walang batid,
Dahil saya ang inihahatid,
Sa tulad namin na parang magkapatid,
Kahit na minsa'y utak namin ay makitid,

Gasul na bansag sakanya,
Hindi man totoo pero sinasabayan nya,
Ganoon sya magpahalaga sa kaibigan nya,
Na kahit masakit ay tatanggapin nya,

Mahal na kaibigan, salamat
Sa pagtanggap sa akin ng sapat,
At pagiging sa akin ay tapat,
Kaya sobra aking pasasalamat,

Nagkakilala dahil sa iisang gusto,
At kahit saan ay nagkakasundo,
Kaya kami ay napalapit ng husto,
At pagkakaibigan mananatili sa puso.

---

Sana nagustuhan mo babae :*

Tula para sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon