Paghahanap sa mga tanong na nanatili sa isipan.
---Nasaan ka noong panahong kailangan kita,
Nasaan ka noong kailangan ko ng kasama,
Nasaan ka noong gustong makausap ka,
Nasaan ka noong mahal pa kita?Wala, wala, wala,
Wala ka noong panahon na dapat nandito ka,
Wala ka dahil nandoon ka sa piling nya,
Wala ka noong minamahal pa kita ng sobra,
At ngayon wala ng babalikan pa.Akala ko noon ay ikaw na,
Akala ko noon ay magtatagal na,
Akala ko noon wala ng mang-iiwan pa,
Pero akala lang pala ang lahat,
Dahil hindi pa rin pala ako sapat.Ngayon tanggap ko na,
Na tayo'y hindi itinadhana,
Dahil tayo'y pinagtagpo lang ni bathala,
At tinuruan kung paano magpahalaga.Tapos na ang kwento nating dalawa,
Kwento na may katapusan rin pala,
Kwento na sa una lang masaya,
At kwento na sasaktan ka rin ng sobra.Paalam,
Ito ang nais bigkasin,
Pero dahil masakit ayaw rin sabihin,
Ayaw sabihin dahil ikaw ay mahalaga pa rin.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.