Simula sa una,
Hanggang sa pumangalawa,
Ikaw pa rin sinta ang dinidikta,
Ng pusong wasak na wasak na,
Matatapos na nga ba ito,
Hanggang dito na lamang ba ikaw at ako,
Na kailanman ay hindi magiging tayo,
Dahil ako lamang ang may gusto.
Aasa pa ba ako sayo?
Kahit alam ko ang totoo,
Na ika'y hindi magkakagusto,
Dahil sa puso mong bato,
Siguro nga tama na,
Dahil nagmumukha na akong tanga,
Sa mga taong pilit akong pinapasaya,
At para sakanila ako'y mahalaga,
Mamahalin ko muna ang sarili ko,
Bago ang ibang tao,
Para ako'y matuto,
Na hindi lahat ng ipinapakita mo ay totoo.
BINABASA MO ANG
Tula para sa Lahat
PoetryTula na nagagawa ko ng hindi ko namamalayan, Siguro dahil sa laman ng aking isipan, Na hindi ko akalaing ito'y aking kakayahan, Ang gumawa ng tula na para sa mga taong may pinagdadaanan.