TEN

1.1K 32 0
                                    

Jamie's POV: 

Katulad ng mga nakaraang araw, may lalaki na namang umagaw ng mga dala ko. 

"Good morning!" Bati ni Blake sa akin. 

"Morning.." Walang gana kong sagot sa kanya. 

"Gusto mong kape? Daan muna tayong coffee shop?" Tanong niya. 

"Nagkape na ako.." Sagot ko. 

"Okay.. How about some sandwich?" Tanong niya. 

"I had my cereal this morning.. So I am not hungry.." Sagot ko. 

Ngumiti siya. 

"Nakakainis na 'yang pagiging loyal mo sa boyfriend mo ha? Kape't tinapay na nga lang ang inaalok, tinatanggihan mo pa.." Sagot niya. 

Tumigil ako sa paglalakad at tignan siya. 

"Kailan ka ba titigil?" Tanong ko. 

"Titigil saan?" Tanong niya. 

"Kailan ka ba titigil na kulitin ako? May girlfriend ka naman.. Bakit hindi siya ang sundan mo? Why do you have to disturb me every morning?!" Naiinis kong tanong sa kanya. 

"Buti nga ako every morning lang kita dini-disturb eh.. Eh ikaw? Your disturbing my mind all day long.." Sagot niya. 

"Blake.. stop this.. Ibuhos mo nalang kay Steph lahat ng attention mo.. Please.." Pakiusap ko. 

Huminga siya ng malalim. 

"I'd like to do that Jamie.. But I can't.." Sagot niya. 

Baliw 'tong lalaking 'to! 

**** 

Dumaan ang mga oras nang hindi ko man lang namamalayan. Pananghalian na pala at pakiramdam ko parang isang oras palang ang nakakalipas simula nung nag simula akong magtrabaho. 

"Kain na tayo.." Pag-aaya ng isang lalaki sa likod. 

Siya na naman?! 

Nilingon ko siya at nakita kong magkasama sila ng girlfriend niya kaya pinilit kong ngumiti sa harap nila. 

"Ah.. Sige.. Mauna na kayo.." Sagot ko. 

"Nako Jamie.. Sumabay ka na.. Alam mo bang dinaanan ka pa talaga namin ni Blake dito kasi sabi niya baka daw nakalimutan mo na namang mag lunch dahil sobrang busy ka sa trbaho.. Kaya let's go.." Pag-aaya ng girlfriend niya. 

Okay lang sa kanya na may dinadaanang ibang babae ang boyfriend niya? 

Okay lang sa kanya na concern si Blake sa akin? 

Sira ulo din. 

Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko. I took it out of my pocket and saw Mike's name flashing on the screen.

"Sorry.. My boyfriend is calling.. So I guess.. mauna na kayo.." Pagbibigay alam ko sa dalawang taong nasa harap ko. 

Tumango si Steph samantalang galit na mukha naman ang binigay sa akin ni Blake. 

Problema niya?! 

"Ganun? Well sige.. Mauuna na kami.." Sagot ni Steph sabay hatak sa braso ni Blake palabas sa area namin. 

-----------------------------

Mike's POV: 

"Hi love.." Bati ni Jamie sa kabilang linya.

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon