THIRTY - SIX

1.4K 38 3
                                    

Mike's POV: 

Dalawang araw, apat na oras, labing anim na minuto at sampong segundo. 

Ganun na katagal  na walang malay si Jamie. 

"Love.. Gising ka na please.." Bulong ko sa kanya. 

Someone tapped my shoulder. 

"Pare.. Kami na munang magbabantay kay Jamie.. Uwi ka muna para makapag pahinga ka naman.." Ika ni Marcus. 

"Ayoko tol.. Okay lang ako.." Sagot ko. 

"Pero mahigit dalawang araw ka nang walang maayos na tulog at kain pare.. Baka naman ikaw na ang susunod na i-admit dito sa hospital.." Dagdag ni Dan. 

"Okay nga lang ako.. 'Wag niyo na akong alalahanin.." Sagot ko. 

"Mike.. Sa tingin ko hindi gugustuhin ni Jamie kung magkakasakit ka.. So for now.. go home.. Take some rest.. Nandito naman kami eh.. We will call you kapag nagising siya.." Ika ni Jaja. 

Tinignan ko siya. 

"Pero I want to be by her side kapag nagising siya Ja.." Sagot ko. 

Tumango siya.

"Then how about you go home for a little while tapos balik ka mamayang gabi?" Suhestyon ni Jaja.

Tumango ako. 

Tama naman sila eh.. 

 I need some rest.. 

Simula nang nai-admit si Jamie dito sa hospital, wala pa akong maayos na tulog at kain. 

And I am really tired.. 

"Sige.. Uuwi muna ako para makapag pahinga.. Mamayang gabi nalang ako babalik para bantayan ulit si Jamie.." Ika ko. 

Tumango ang mga kaibangan ko. 

Bago ako umalis nilingon ko muna si Jamie. 

"Love.. Uuwi muna ako ha? Hintayin mo ako.." Bulong ko sa kanya sabay halik sa noo niya at tayo sa kinauupuan ko. 

Nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto nang hospital room ni Jamie nang bigla kong narinig ang boses niya. 

"Love.." Tawag niya. 

Nagulat ako nang narinig kong tinawag niya ako kaya naman agad akong lumingon at tumakbo papalapit sa kanya. 

"Love!" Tawag ko sa kanya. 

"Love.." Balik niya ring tawag sa akin. 

Hinawakan ko ang kamay niya. 

"Nandito ako Love.. I'm right beside you.." Ika ko. 

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. 

"Hi.." Bati niya nang nakangiti. 

"Do.. you.. remember me?" Tanong ko. 

Dahan-dahan niyang tinango ang ulo niya. 

"How could I ever forget the man that completes me?" Tanong niya. 

Uminit ang paligid nang mga mata ko at ramdam ko ang namumuo kong mga luha. 

"Do.. you.. really remember me?" Ulit kong tanong sa kanya. 

"Yes.. Your the man that I have spent the last 10 years of my life with.. Your the man I love the most aside from Dad.. Your the man that I'm going to marry.." Sagot niya. 

This time tumulo na talaga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

Naalala na niya ako! 

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon