THIRTEEN

1.1K 31 1
                                    

Jamie's POV: 

"Ano? Bakit ka naman mapapapalit ng number?" Tanong ko kay Mike na kasalukuyan kong kausap sa kabilang linya. 

"Uhmmm.. Kasi Love.. Magulo na kasi 'tong number na 'to." Sagot niya. 

"Magulo?! Paanong magulo? Dati naman walang ibang laman yang cellphone mo bukod sa mga messages galing sa mga barkada mo, sa akin at kayla Ate Jaja. Pero ngayon na nasa Singapore ako, biglang gumulo ang yang number mo?" Tanong ko. 

"Uhmm.. Isa pa Love.. Gusto ko na din kasing magpalit ng cellphone eh.. "Sagot niya

 That's it! May tinatago siya.

"Mike.. stop lying.. Sinong babae ba ang nangungulit sayo sa text?" Tanong ko. 

Panandalian siyang natahimik sa kabilang linya. 

"Love.. Kasi.. Uhmmm... May.. nag text.. Sa akin.. kagabi.." Sagot niya. 

"Sino?" Tanong ko. 

"Si.. si.. Uhm.. Si.. Kate.." Sagot niya. 

Siya na naman?! 

"Tinext ka niya?!" Inis kong tanong. 

"Oh.. Teka! Bakit parang galit ka na naman sa akin? Kaya nga ako magpapalit ng bagong cellphone para huwag na niya akong kulitin eh.." Sagot niya. 

Huminga ako ng malalim. 

"Ang kulit ng babaeng 'yan ha! Hindi ba siya nakakaintindi na may gilfriend ka na?!" Galit kong tanong. 

"Kaya nga magpapalit ng number.. At mag de-deactivate ng facebook.. Gagawa nalang ako ng bagong account.." Sagot niya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. 

"Pati sa facebook nangungulit siya?!" Tanong ko. 

"Uhmmm.. Oo eh.. She added me as her friend.. Pero hindi ko naman siya inaccept.. So huwag kang mag-alala.." Sagot niya. 

Natawa ako. 

"Hah! Iba! Ang tibay ni lodi! Kapal ng mukha! Nakita naman siguro niya 'yong relationship status mo sa facebook diba? Malinawa naman na Mikel Villanueva is in a relationship with Jamie Andres! Bulag ba siya?!" Galit na tanong ko ulit sa kanya. 

"Love.. Iiwasan ko siya hangga't maari.. Wag kang mag-alala kasi hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira nating dalawa.." Sagot niya. 

Tumango ako at huminga ng malalim.

"Okay.. I trust you.. And I know that no matter what, you'll always be honest and faithful to me.." Sagot ko. 

"I will.." Sagot niya. 

-----------------------------

Mike's POV: 

Katulad ng normal na araw, pumasok kami sa trabaho at naghihintay ng mga iuutos ni Marcus. 

"Liam.. Dan.. Pwede bang kayo na ang pumunta sa construction site sa Quezon? I need you guys to check on the materials na dineliver.. Tignan niyo nga kung maayos naman 'yong mga bakal.. Nung nakaraan kasi medyo makalawang 'yong pinadala sa atin.. After niyo dun, puntahan niyo naman ang property na inaalok sa akin ni Mr. Cua.. Then balik na kayo sa dito pagkatapos." Utos ni Marcus kay Dan at Liam. 

Tumango ang dalawa at nagtangkang umalis pero bigla ko silang pinigilan. 

"Uhmmm.. Pwede ba akong sumama sa kanila?" Tanong ko. 

"Why?" Tanong ni Marcus. 

"Kasi.. Uhmmm.. As much as possible kasi.. ayoko sanang mag stay dito sa office.." Sagot ko. 

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon