Jamie's POV:
Dahil sandali lang ang binigay na bakasyon sa akin ng kompanya, talagang sinulit ko ang bawat oras ko sa Pilipinas. Araw-araw, oras-oras at minu-minuto kaming magkasama ni Mike.
Literal!
Araw-araw akong sumasama sa kanya sa Garcia Corp. Sabay kaming papasok sa kompanya at sabay din kaming uuwi. Para sa iba, nakakasawa ang ganitong relasyon. Pero para sa amin ni Mike, ganitong set-up ang mas makakabuti sa amin.
Kapag magkasama kami lagi, parang mas madaling gawin ang mga bagay-bagay.
"Jamie.." Tawag sa akin ni Ate Karla nang nagkasalubong kami sa hallway papunta sa opisina ni Kuya Marcus.
"Hi Ate Karla.." Balik na bati ko din sa kanya.
"Grabe.. Gwardyado mo talaga si Mike ah?" Panunukso niya.
"Oo naman.. Mahirap na.. Baka lumihis ng landas eh.." Sagot ko.
Natawa si Ate Karla.
"Nako.. Trust me.. Sa tingin ko, hindi na lilihis ng landas yang si Mike. Ano pa ba ang hahanapin niya sayo? Maganda ka, matalino, mabait at sexy.. Hawak niya na ang dyamante, pupulot pa ba siya ng bato?" Sagot niya.
"Sabagay.. Swerte na din niya sa akin.. Kung tutuusin nga, lugi na ako sa kanya eh.. Pero mahal ko eh.. Kaya sige.. pag tyagaan na natin.." Sagot ko.
Natawa si Ate Karla at nabulunan naman si Mike sa kapeng iniinum niya.
"Wow! Lugi ka pa sa akin? Pagkatapos kong ibigay sayo ang mundo.. lugi ka pa sa akin?!" Tanong ni Mike na kasalukuyang namumula sa inis.
Natawa ako.
"Ito naman.. Parang joke lang eh.. Masyado ka nang seryoso lately.. Nako.. Sign ng pagtanda yan Love.." Sagot ko.
"Sampung taon na kitang kasama.. Don't you think it's about time na maging seryoso naman tayo sa buhay?" Seryosong tanong niya.
Biglang nanlamig ang mga palad ko sa sinabi niya.
May balak na kaya siyang mag propose?
"Wha.. what?" Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Kapag seryoso ang usapan, natatameme ka 'no?" Tanong niya.
Bigla kong na realize na nagbibiro na naman pala siya.
"Che!" Sagot ko sa kanya sabay walkout.
-------------------------
Mike's POV:
Malapit nang mag alas singko at pakiramdam ko, pabagal ng pabagal ang oras.
Bakit kaya kapag malapit nang uwian, bumabagal ang oras?
"Love.. Kuha mo akong coffee sa pantry please?" Pakiusap ni Jamie na kasalukuyang may tinitignang documents sa couch na nasa loob ng opisina ni Marcus.
"Okay.. What else? Wala ka bang gustong kainin?" Tanong ko.
Kailangan ko munang i-double check kung may gusto pa siya. Madalas kasi akong nag se-second trip sa pantry dahil may iba pa pala siyang gusto bukod sa unang nire-request niya.
"Uhmmm.. Pandesal.." Sagot niya.
"Ano? Pandesal? Saan naman ako kukuha nun? Mukha bang bakery ang pantry? Iba nalang.. How about cookies? Or crackers?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Nope.. Gusto ko ng pandesal at kape.." Sagot niya.
Sana pala hindi ko nalang tinanong kung may iba pa siyang gusto.
BINABASA MO ANG
HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)
RomanceNoon pa man mabagbiro na talaga si Mike. Siya ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero isang araw, siya naman ang biniro ng tadhana. Nagising ang nobya niyang si Jamie na hindi maalala ang lahat ng napagdaanan nil...