Mike's POV:
Nag-aalala na ako dahil hindi pa tumatawag si Jamie simula kanina. Isang oras lang naman ang byahe niya papuntang hotel galing sa airporrt.
It's been five freaking hours!
Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan pero unattended ang cellphone niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil parang sasabog na ako sa sobrang pag-aalala.
That's it! I'll go talk to Marcus.
Pumunta ako sa study room ni Marcus dahil alam kong doon lang naman ang tambayan niya kapag wala siyang trabaho.
"Cus.. Can I come in?" Tanong ko bago pumasok.
"Pasok ka.." Sagot niya.
Binukasan ko ang pinto nang study room niya at nagulat ako nang nakita kong nandoon ang buong barkada.
Anong meron?
"What are you guys doing here?" Tanong ko.
Pare-parehas silang yumuko at ni isa sa kanila walang sumagot sa akin.
Including Marcus.
"Guys.. Anong problema?" Ulit kong tanong sa kanila.
"Bro.. May nangyari kasi sa Singapore.." Sagot ni Kenzo.
Doon na nanglamig ang buong katawan ko. Kahit hindi nila sabihin, alam kong may nangyaring masama kay Jamie.
"Anong nangyari?!" Kinakabahan kong taong kay Marcus.
"Iyong hotel na tinatayo sa Singapore.. May.. may.. area kasi doon na gumuho.." Sagot niya.
Tinignan ko siya.
"Please.. tell me that.. Jamie's not inside that fucking building.." Pakiusap ko.
Yumuko si Marcus.
"I'm sorry pare.." Sagot niya.
Doon na tumulo ang luha ko kasabay ang pagpasok ni Jaja sa study room ni Marcus.
"Marcus! Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?!" Galit na tanong ni Jaja sakanya.
"Because.. I don't know how.." Sagot niya.
Tinignan ko siya ng masama.
"You don't know how to tell us?! You took full resposibility of her Marcus! I trusted you! I trusted your people there! I trusted that she'll be safe and secure all the time! Kasi kaibigan kita.. At buo ang tiwala ko na aalagaan at po-protektahan mo si Jamie katulad nang pag-aalaga at pag po-protekta namin kay Jaja at sa mga anak mo kapag wala ka! But you failed me!" Sagot ko.
"Mike.. Hindi ko naman ginustong mangyari 'to eh.. Wala namang may gusto nito.." Sagot ni Marcus.
Dahil sa sobrang galit hinawakan ko ang kwelyo nang damit niya.
"Kapag may nangyaring masama kay Jamie.. Magkalimutan na tayo Marcus!" Ika ko.
Nakita ko sa mga mata ni Marcus ang namumuo nang galit at wala akong pakialam kung magkainitan kami ngayon dito. Buhay na nang mahal ko ang pinag-uusapan kaya wala na akong pakialam kung boss ko man siya o kaibigan.
"Tama na!" Pag pigil ni Dan.
Sinubukan kaming paglayuin ni Liam at Kenzo para hindi na kami umabot sa pagsasapakan.
"Wala rin namang mangyayari kung magsisisihan tayo ngayon.. Hindi ba't mas maganda kung magtutulungan tayo at magdadamayan? Ang dami na nating problemang nalampasan nang magkakasama.." Ika ni Liam.
Tinignan ko siya ng masama.
"Oo nga! Pero buhay na nang taong mahalaga sa akin ang pinag-uusapan.. Kaya hindi niyo rin ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito.." Sagot ko.
"Oo nga! Alam naman namin kung anong nararamdaman mo ngayon Mike.. At katulad mo.. mahalaga din si Jamie sa amin.. Kaya sana alam mo na katulad mo, nag-aalala din kami.. Lalo na si Jaja.." Sagot ni Liam.
Tinignan ko si Jaja at nakita kong wala siyang pakialam sa mga nangyayari ngayon sa paligid niya. Tahimik lang siyang nakatayo sa isang sulok ng study room ni Marcus habang tahimik na nag-iisip.
"Lahat tayo.. aalis papuntang Singapore ngayon.." Pagbibigay alam ni Marcus.
Pare-parehas namang tumango ang mga barkada ko at isa-isa na kaming lumabas ng study room ni Marcus para mag-ayos nang gamit papuntang Singapore.
****
Pagkatapos ang halos apat na oras naming byahe, narating na namin ang Singapore at agad na pumunta sa hospital kung nasaan si Jamie. Ayon sa mga taong nakausap ni Marcus nakitang walang malay si Jamie sa hagdan papuntang first floor.
May mga debris na bumagsak sa ulo niya dahilan kung bakit siya nasa operating room. Nabali din ang kaliwang balikat niya pero maayos pa naman daw ito sa pamamagitan ng operation at therapy.
Thank God she's alive.
"Bro.." Tawag ni Marcus sa akin.
Nilingon ko siya at doon na niya inabot ang isang baso nang kape.
"Thanks.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Pasensya ka na.." Ika niya.
"Now that Jamie's alive.. I forgive you.." Sagot ko.
"I am really glad that she's still here.." Sagot ni Marcus.
"Ako din.. Nung nag dasal ako, sabi ko.. Lahat gagawin ko.. basta's ibalik niya lang si Jamie sa akin.." Sagot ko.
"Well.. masamang damo si Jamie.. Hindi 'yon basta papatinag.." Sagot ni Marcus.
Natawa ako.
"Alam ko.. Alam kong hindi ito ang titibag sa kanya.. Masyado siyang matatag para sa pagsubok na 'to.." Sagot ko.
"Tama ka dun.." Sagot ni Marcus.
****
Pagkatapos nang napakahabang oras nang paghihintay, natapos na din ang operation ni Jamie. Kasalukuyan na kaming kinakausap nag doktor na nag operate sa kanya at nagbibigay nang mga possibleng mangyari.
"The operation was a success.. However, she's still in danger.. Our goal right now is to wake her up.. She have to open her eyes and be conscious.. But don't pressure her.. My suggestion is to be beside her all the time.. talk to her.. she can hear you guys.. When she wakes up.. then.. she's out of danger.." Paliwanag ng doktor.
Tumango kami.
"Thank you Doctor.." Sagot ni Jaja.
"Your welcome.. In a little while, we'll be transferring her to her room.. She just need to stay for a bit in the recovery room for further observation.. If you want you can wait for her here or you guys can wait in the room provided for Miss Andres.." Sagot nang doktor.
"Okay.. We'll just wait for her in the room.." Sagot ni Marcus.
Dahil nga ililipat na si Jamie sa kwarto niya, doon na kami pumunta. Naghintay kami doon nang mahigit isang oras hanggang sa dinala na doon si Jamie. Kasalukuyan pa rin siyang mahimbing na natutulog.
Ang reyna ko, masyadong napagod.
Tinitinan ko lang siya habang nakahiga sa hospital bed at hindi ko mapigilang maiyak nang nakita ko ang benda na nasa ulo niya.
Hihintayin kitang gumising Love..
Wag kang magpahinga nang matagal..
Papakasalan pa kita..
-------------------------
BINABASA MO ANG
HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)
RomanceNoon pa man mabagbiro na talaga si Mike. Siya ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero isang araw, siya naman ang biniro ng tadhana. Nagising ang nobya niyang si Jamie na hindi maalala ang lahat ng napagdaanan nil...