FORTY - FINALE

2.2K 53 15
                                    

Jamie's POV: 

Natapos na ang kasal ang reception area na ang susunod naming pupuntahan. 

Buti naman dahil gutom na talaga ako! 

Gutom na gutom na talaga KAMI.. 

"Love.. Okay ka lang?" Tanong ni Mike. 

Tinignan ko siya. 

"Oo nga Jaims.. Parang namumutla ka.." Ika ni Dan na kasalukuyang nasa driver seat. 

"O.. okay lang.." Pagsisinungaling ko. 

"Are you sure?" Tanong ulit ni Mike. 

Hinawakan ko ang kamay niya and I faked a smile. 

"Okay lang talaga ako.. 'Wag kang mag-alala.. Gutom lang 'to Love.. It's not something serious.." Sagot ko. 

Tumango siya at tinapik ang balikat ni Dan. 

"Pre.. Apakan mo na nang todo ang gas dahil gutom na 'tong misis ko.." Ika ni Mike. 

Natawa ako. 

"Aba! Matuto kang magpasahod kung uutusan mo ako nang ganyan.." Sagot ni Dan. 

"Ito naman.. Parang ngayon lang naman ako humiling nang pabor sayo eh.. Dati nung kailangan niyo ni Karla ang tulong ko tinulugan ko naman kayo ah? Sobra ka sakin.." Sagot ni Mike. 

Natawa si Dan. 

"Sumbatan ba ako? O sige na! Bibilisan na po ang pag mamaneho.." Sagot ni Dan. 

------------------------------

Mike's POV: 

Narating na namin ang reception area at halata ko pa rin sa mukha ni Jamie ang sama nang pakiramdam niya. 

She's not okay.. 

Definitely not okay.. 

Dahil alam kong masama ang pakiramdam ni Jamie hindi ko na hinitay na i-welcome kami nang emcee. We both entered the reception hall together. 

She's hungry and I don't give a shit about introductions right now.. 

Yeah.. I am breaking traditions again.. 

"Hi.." Bati ko sa mga guests namin. 

Nagulat ang emcee nang nakita kami pero he hindi siya nag pahalata sa mga bisita.

"Let's all clap our hands for Mr. and Mrs. Villanueva!" Ika nang emcee. 

Aba magaling mag adlib! 

Para-paraan 123.. 

Katulad nang sinabi nang emcee pumalakpak nga ang mga bisita namin. Hinarap ko naman sila at ngumiti then I escorted Jamie papunta sa upuan namin. 

Nang parehas na kaming nakaupo agad kong tinawag ang emcee. 

"Yes Sir?" Tanong niya. 

"Pakisabi naman sa mga bisita na open na ang buffet table.. Pwede na kamo silang kumain.. Gutom na kasi ang asawa ko so kumain nalang muna tayo.." Ika ko. 

Tumango siya at agad na ginawa ang sinabi ko. 

"Love.. Ipapaserve ko na ang pagkain natin.." Ika ko kay Jamie na namumutla pa rin sa tabi ko. 

"Thanks.." Sagot niya and forced herself to smile. 

Bakit kaya masama ang pakiramdam niya?

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon