Mike's POV:
Naglalakad ako papunta sa living room dahil hinihintay daw ako doon ni Kate.
Ano kayang kailangan niya sa akin?
Nagulat ako nang narating ko ang living room nang mansyon dahil hindi lang si Kate ang nakita ko doon. Kasama niya si Jamie at masaya silang nag kwe-kwentuhan.
"Oh.. Nandito na pala si Mike eh.." Puna ni Jamie nang nakita niya ako.
"Ah.. Hi.. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kate.
"Uhmmm.. Binibisita ka.. Nag-aalala kasi ako sayo.." Sagot niya.
Sasagot na sana ako pero biglang sumabat sa usapan namin si Jamie.
"Perfect! Si Mike din kanina pa nag-aalala sayo eh.. Gusto niyang malaman kung safe ka daw bang nakauwi kagabi.." Sabat niya.
Tinignan ko siya.
Aba! Kanina lang galit na galit siya nang narinig niyang binangit ko ang pangalan ni Kate. Ngayon naman halos itulak na niya si Kate palapit sa akin!
May balak pa yatang maging tulay 'tong si Jamie sa amin!
Ugh! Sana alam niya siya lang ang gusto ko!
"Talaga? Worried ka sakin?" Tanong ni Kate.
Inalis ko ang tingin ko kay Jamie at ibinaling ito kay Kate.
"Oo naman.. Hindi kasi kita naihatid kagabi kaya nag-aalala ako.. Safe ka bang nakauwi?" Tanong ko.
Ayan! Magselos ka Jamie!
Pagseselosin kita!
Nakita kong inirapan ni Jamie si Kate dahilan kung bakit ako napangiti.
"Actually pinahatid ako ni Boss Marcus sa driver niya.." Sagot ni Kate.
"Ah.. Mabuti naman kung ganun.." Sagot ko.
"Eh ikaw? Kamusta nang pakiramdam mo? Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong ni Kate sa akin.
Bago ko siya sagutin, tinignan ko muna si Jamie at nakikita kong naiilang na siyang sa usapan namin. Halatang gusto na niyang mag walkout dahil na a-out of place na siya sa amin ni Kate.
UHG! Gusto ko siyang yakapin!
Naawawa ako sa mahal ko!
Habang nakatingin ako kay Jamie, biglang pumasok ang isa sa mga katulong nina Marcus.
"Excuse me po Ma'am Jamie.. May naghahanap po sa inyo sa labas.." Pagbibigay alam niya.
Agad kong tinanong si Ate dahilan kung bakit hindi nakasagot si Jamie sa kanya.
"Sino?" Tanong ko.
"Uhmmm.. Si.. Sir Blake po.." Sagot niya.
Bigla akong nakaramdam nang inis nang narinig ko ang pangalan niya.
Buhay pa pala siya?!
--------------------------
Jamie's POV:
Nagdilim ang mukha ni Mike nang narinig niya ang pangalan ni Blake.
"Sige po Ate.. Pakisabi po kay Blake hintayin niya nalang ako sa garden.." Sagot ko sa katulong nina Kuya Marcus.
Tumango siya at nagtangkang umalis pero piniglan siya ni Mike.
"Sandali.. Sabihin mo kay Blake na dito siya pumunta sa living room.. Nandito na kamo si Jamie.." Sabat ni Mike.
BINABASA MO ANG
HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)
Любовные романыNoon pa man mabagbiro na talaga si Mike. Siya ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero isang araw, siya naman ang biniro ng tadhana. Nagising ang nobya niyang si Jamie na hindi maalala ang lahat ng napagdaanan nil...