TWENTY - SEVEN

1.2K 40 24
                                    

Mike's POV: 

Pagkatapos makipagbreak ni Jamie naisip kung umalis muna nang mansyon. 

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Marcus nang nakita niyang kinuha ko ang susi nang kotse. 

"Hindi ko alam.. Kahit saan basta 'wag dito.." Sagot ko. 

"Bro.. Ano ba kasing nangyari? Magkwento ka.." Ika ni Dan. 

"She.. broke up with me.." Sagot ko. 

Pare-parehas na tumingin sa akin ang mga barkada ko at bakas sa mga mata nila ang lungkot at pag-aalala. 

"Edi ayusin natin.. Let's convince her.. I'm sure naguguluhan lang 'yon dahil sa sitwasyon niya.. Pero Mike maniwala ka.. Mahal ka pa nun.." Sagot ni Liam. 

Umiling ako. 

"Pinaglaban ko siya hanggang sa kahuli-hulihan pare.. Ginawa ko lahat.. Sinabi ko na lahat nang pwede kong sabihin para 'wag siyang makipaghiwalay.. Pero bumitaw pa rin siya eh.. Sinukuan niya pa rin kami.." Sagot ko. 

Nilapitan ako ni Kenzo at inakbayan. 

"Tara! Shot?" Tanong niya. 

Umiling ako. 

"Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.. Gusto kong umalis dito.." Sagot ko. 

"Edi sa labas tayo mag shot.. Mag bar tayo.. Tara.." Pag-aaya ni Marcus. 

"Salamat sa concern pare pero gusto ko sanang ako lang muna ngayon.." Sagot ko.

Tumango sila. 

"Naiintindihah ka namin pre.. Pero tawagan mo kami kapag napa trouble ka ha? Or kung gusto mo kaming sumunod.. Just give us a beep.." Sagot ni Liam. 

"Sure.." Sagot ko sabay labas nang mansyon ni Marcus. 

****

Matagal-tagal na akong nagmamaneho nang bigla kong naisipang pumunta sa bar para uminom. 

"Whiskey please.." Pagbibigay alam ko sa waiter na nasa bar. 

Tumango siya at agad na hinanda ang inumin ko. 

Isang baso. 

Dalawa. 

Tatlo. 

Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko. 

"Hi.." Bati sa akin nang isang babaeng kakaupo lang sa tabi ko. 

Tinignan ko siya. 

She looks familiar.. 

"Mike.. Mag-isa ka lang?" Tanong niya. 

Kilala niya ako? 

"Sorry.. Sino ka nga?" Tanong ko. 

"Kate.. Hindi mo na ako naalala?" Tanong niya. 

Umiling ako. 

"Hindi eh.. Sorry.." Sagot ko. 

Natawa siya. 

"Grabe.. nakalimutan mo na ako? Ako 'yong babaeng sinugod nang girlfriend mo sa Garcia Corp. Ako 'yong pinagseselosan niya nung nasa Singapore pa siya.." Sagot niya. 

Oh! Now I remember! 

"Ikaw 'yong Kate na umupo sa tabi ko nun sa pantry?" Tanong ko. 

"Ako nga!" Nakangiti niyang sagot. 

"Wow! Sorry.. Hindi agad kita namukhaan.." Sagot ko. 

"It's okay.. Matagal na din kasi nung huli tayong nagkita at nagpagupit din ako nang buhok kaya understandable naman kung bakit hindi mo ako agad nakilala.." Sagot niya. 

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon