TWENTY - EIGHT

1K 27 0
                                    

Mike's POV: 

Nagising ako at ang sakit nang ulo kaagad ang bumati sa akin. Hindi ko maalala kung papaano ako nakarating dito sa bahay. Ang huling naalala ko lang ay masaya kaming nag-iinuman ni Kate. 

Si Kate! 

Hala! Nakauwi kaya nang ligtas 'yon? 

Babangon sana ako para kunin ang cellphone ko pero hindi ko kinaya ang hilo kaya naman bumalik ulit ako sa pagkakahiga. 

"Potek! Sakit nang ulo ko.." Reklamo ko. 

Habang nakahiga ako sa kama, biglang bumukas ang pinto nang kwarto ko. 

Si Ate Tess. 

"Mike.. Buti naman at gising ka na.. Pinahatid ni Jamie 'tong kape.. Sabi niya mukhang masakit ang ulo mo.." Pagbibigay alam ni Ate Tess. 

Pinahatidan niya ako nang kape? 

Wow! Pagkatapos niyang makipagbreak? 

"Ganun po ba? Sige po.. Salamat.." Sagot ko sa matanda. 

Tinignan niya ako at ngumiti.

"Alam mo.. Kahit na hindi ako masyadong nagsasalita alam kong nahihirapan kayong dalawa ni Jamie ngayon.. Pero 'wag kayong mag-alala.. Pasasaan ba't maayos niyo rin itong problema niyo.. Sa nakikita ko kasi, mahal niyo pa ang isa't-isa kaya sigurado akong sa huli kayo ang magkakatuluyan.." Ika niya. 

Tumango ako. 

"Ate Tess.. Ayoko na pong umasa.. Pinaglaban ko na po siya pero sinukuan niya ako.. Sa tingin ko.. hanggang dun nalang po ako.." Sagot ko sa kanya bago tuluyang umalis sa higaan. 

****

Pagbangon ko una kong pinuntahan ang kusina para kumuha nang malamig na tubig. 

"Morning pare.." Bati ni Marcus. 

Tumango ako. 

"Morning.." Sagot ko. 

"Kain na.." Pag-aaya ni Liam. 

Tinignan ko siya pero bigla akong napatingin kay Jamie. 

Traidor talaga 'tong mga mata ko! 

"Sige.. Magkakape nalang muna ako.. Masakit ulo ko eh.." Sagot ko. 

Tinignan ako ni Jamie. 

"Masakit ulo mo?" Tanong niya. 

Tumango ako. 

"Oo.. Bakit?" Tanong ko. 

"Tawagan mo 'yong babaeng nag hatid sayo kagabi! Sa kanya ka magpaturo kung paano matangal 'yang hang over mo! Che!" Sagot niya sabay walk out. 

Problema nun?! 

Natawa ang mga taong naiwan sa kusina. 

"Selos lang yaaaaann.. Oh seloooss lang yaaaannn!" Pang-aasar ni Dan. 

"Sinong nagseselos?" Tanong ko. 

"Sino pa? Edi 'yang ex mo na magiging girlfriend mo ulit soon.." Sagot ni Liam. 

"Sino naman pagseselosan niya?" Tanong ko. 

"Si Kate.." Sagot ni Kenzo. 

"Nagkita sila ni Kate?" Tanong ko. 

"Yep! Hinatid ka kaya ni Kate kagabi.. Nako! Kung nakita mo lang ang reaksyon ni Jamie kagabi paghatid sayo ni Kate.." Natatawang sagot ni Marcus. 

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon