TWENTY-ONE

1.3K 32 6
                                    

Mike's POV: 

"She's suffering from mild amnesia due to trauma and stress.. For now, now one can tell when will she remember the events, memories and people that she forgot.. Let's all hope and pray that she'll recover and be able to recognize everyone soon.." Payo nang doktor. 

"Thank you doctor.." Sagot ni Jaja. 

Tumango ang doktor sa amin bago ito nag paalam at lumabas mula sa hospital room ni Jamie. 

Tinignan ko ang natutulog na siJamie. 

"Now what?" Tanong ko sa mga kasama ko. 

Pare-parehas silang tumingin sa akin. 

"Magtulungan tayo.. araw-araw ipaalala natin sa kanya lahat nang mga nakalimutan niya.." Sagot ni Dan. 

"It's not that easy bro.." Sagot ko. 

"Alam ko.. Wala namang madali eh.. At maliban sa suggestion ko, may alam ka pa bang ibang paraan?" Tanong niya. 

Umiwas ako nang tingin sa kanya. 

Tama siya. 

Wala nang ibang paraan bukod sa sinabi niya. 

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Dan.. Sa ngayon.. magtulungan nalang tayo.. mag prepare tayo nang mga pictures at videos nang mga memories natin simula nang nakilala natin si Jamie.. Araw-araw nating i-kwento sa kanya ang mga pinagdaanan natin at 'yong mga nangyaring masasaya at malulungkot sa atin.." Sagot ni Marcus. 

****

Nang nagising si Jamie, ako kaagad ang unang taong nagbantay sa kanya. Sabi kasi nila Marcus, we need time alone. 

"Love.. Kamusta nang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya. 

Tinignan niya lang ako at halatang nagulat siya nang tinawag ko siyang love. Hindi mo din naman ako masisisi dahil sampung taon ko na siyang tinatawag nang ganun kaya kinasanayan ko na. 

"Uhm.. O.. okay lang naman ako.." Sagot niya. 

Ngumiti ako. 

"Gusto mong kumain? Hindi ka pa kumakain simula nung nagising ka.. Pwede akong bumili nang kahit na anong gusto mo.." Sagot ko. 

Umiling siya. 

"Hindi pa naman ako masyadong gutom.. Pero I want some water now.. Pwede mo ba akong bigyan?" Tanong niya. 

"Oo naman!" Sagot ko sabay kuha nang baso at nilgayan iyon nang tubig. 

"Salamat.." Sagot niya nang inabot ko sa kanya ang basong may lamang tubig. 

Ngumiti ako. 

"Alam mo.. Hindi bagay sayo ang sobrang tahimik.. Hindi ako sanay.." Ika ko. 

Tinignan niya ako. 

"Bakit? Paano ba tayo dati?" Tanong niya. 

"Well.. Sa loob nang isang linggo.. Mga limang araw tayong nagtatalo at nagbabangayan.." Sagot ko. 

Natawa siya. 

"Ganun ang relasyon natin? Bakit tayo tumagal nang sampung taon kung palagi naman pala tayon nag-aaway?" Tanong niya. 

"Iyon nga ang sekreto nang relasyon natin eh.. Kaya tayo nag tagal nang sampung taon dahil halos araw-araw tayong nag-aaway.." Sagot ko. 

"Buti.. natiis mo ako?" Tanong niya. 

Tinignan ko siya. 

"Mahal kita.. Mahal na mahal kita at mas pipiliin kong araw-araw tayong mag-away basta magkasama tayo.. Kaysa naman 'yong wala akong kabangayan pero wala ka naman sa tabi ko.." Sagot ko. 

HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon