Mike's POV:
"Bro.. kamusta ang unang gabi na hindi katabi si Jamie?" Tanong ni Kenzo.
"Saya! Gusto ko ngang mag pa-party ngayon eh.." Pilosopong sagot ko.
Natawa siya.
"Ganun ba? Edi tawagan natin si Jamie at sabihin nating wag nang bumalik.. Masaya naman pala eh.." Dagdag pa ni Marcus.
Tinignan ko siya ng masama.
Mga ganitong wala akong tulog, wag nila akong sisimulan!
"Bro.. badtrip ako.. wag muna ngayon.." Kalmado kong sagot sa kanya.
Tumango siya.
"Bro.. naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo.. And I'm sorry.. Pero this time wala kasi akong choice but to send her there.. Napansin ng mga investors natin ang credentials ni Jamie and they're impressed. Alam mo naman diba? Kapag clients na ang decided, I mostly can't say another word.." Paliwanag niya.
"Alam ko naman 'yon tol.. Hindi naman ako galit sayo eh.. Pero nahihirapan akong mag adjust ngayon.." Sagot ko.
"Kahit sino naman siguro sa atin pre mahihirapang mag adjust kapag umalis si misis.. Pero tiis lang.. kailangan eh.." Dagdag pa ni Dan.
Tumango ako.
"Kaya nga eh.. Titiisin ko nalang muna.. Alang-alang sa pangarap niya.." Sagot ko.
Tinapik ni Liam ang likod ko.
"Don't worry.. We already booked you a flight papuntang Singapore.. Aalis ka by the end of the month.." Pagbibigay alam niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Weeeee? Seryoso?!" Tanong ko.
Hindi siya sumagot imbis ay inabot niya sa akin ang isang nakatiklop na papel. Kinuha ko ito at binasa.
Plane ticket!
"Guys! Nakaka-touch!" Ika ko.
"Alam namin.. kaya tigilan mo na yang pagda-drama mo diyan at konting araw nalang magkikita na ulit kayo ni Jamie.." Sagot ni Kenzo.
"Pa hug nga!" Biro ko sa kanila.
"Hug mo mukha mo! Balik trabaho na tayo." Utos ni Marcus.
----------------------------------------
Jamie's POV:
Halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil siguro namamahay ako. Buti at dala ko ang t-shirt ni Mike kaya kahit papaano I felt that I was home.
Namimiss ko na siya.
Matawagan nga 'yong mokong na 'yon.
"Hello love!" Bati niya sa akin sa kabilang linya.
"Hi love.." Bati ko din sa kanya.
"Oh.. Bakit parang malungkot ang reyna ng buhay ko?" Tanong niya.
"Lunch time kasi namin ngayon.. Bigla kitang namiss.." Sagot ko.
"Lunch time na din namin ngayon.. At namimiss na din kita.." Sagot niya.
Ang hirap pala nito!
"Talaga? Sinong kasama mong kumakain ngayon?" Tanong ko.
"Si Liam at Dan.. Gusto mo ba silang makita?" Tanong niya.
Tumango ako.
Nakita kong pwenesto niya ang cellphone niya at ngayon silang tatlo na ang nakikita ko sa screen.
BINABASA MO ANG
HEY JAMIE, IT'S MIKE (COMPLETED)
RomansaNoon pa man mabagbiro na talaga si Mike. Siya ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero isang araw, siya naman ang biniro ng tadhana. Nagising ang nobya niyang si Jamie na hindi maalala ang lahat ng napagdaanan nil...