Meg's POV
umupo na siya at ako rin umupo na.
"oy sinooo yon!!" pang uusisa ni Mikaella
"kaibigan ni Calvin yun eh. May ari ng resto. I didn't expect to see him actually" sabi ko sakanila
"ah coincidence" sabi ni Oliver
"ibig sabihin taga dito siya?" tanong ni Ivan
"nope, may kasama siya kasing kaibigan, si Migs and Lorenz. Si Migs taga rito sa village and birthday ng mom niya ngayon so he invited Lorenz and Renz" sabi ko naman
"Ah kaya pala" sagot naman ni Nicolas
"ba't ka hinatid?" tanong naman ni Jonas
"bawal ba?" tanong ko. Kumuha ako ng balot at kumuha ng beer
"ay wow, bottoms up!" sabi saakin ni Mikaella
"gaga! nakakamiss din kasi" sabi ko
"Bihira ka naman uminom before ha" sabi ni Kuya sakin
Uminom na lang ako ulit.
"Oy girls pasok na sa loob" sabi ni Jonas
"Oo nga, tara na! Lalo ka na nics" sabi ni Mikaella
pumasok na kami sa loob at naiwan yung mga boys off course mag iinuman pa yung mga yun. Pumunta kami sa nursery room. Nandon si Mikael saka yung anak nila ate Oly
"Tapos na kayo?" tanong ni ate Oly
"hindi pa sila ate, pinapasok na kami since itong si nicolas bawal mahamugan" sabi ko naman
"tulog ang baby ko" sabi ni mikaella at nilapitan yung bed nung anak niya
"oo, naku ang sarap ng tulog" sabi ni ate Oly
"te oly, punta muna kami sa room btw gusto mo sumama?" tanong ko sakanya
"Dito muna ako meg, bantayan ko pa tong si Cyrus maya't maya ang dede" sabi naman niya
"Sige ate, we'll go ahead then. Get some rest too okay?" sabi ko sakanya at umalis na papuntang kwarto ko
"so ano nangyari?" tanong ni Mikaella
"saan ba?" tanong ko sakanya at humiga sa kama ko
"Nako Girl, don't tell me you actually believe na maniniwala kami sa 'napuwing ako e' eh actually kakatapos mo lang umiyak?" sabi ni Nicolas at umupo sa tabi ko
"Meg, we saw you there. Kayong dalawa nag uusap" sabi ni Mikaella habang nakaupo sa couch
"ahhh..." sabi ko at nalungkot nalang muli, how can I forget that?
"I told him I like him" sabi ko sakanila. "but he said, I can't" pagtutuloy ko.
"Dahil dun lang susuko ka na?" tanong ni Nicolas sakin
"I don't know what to do but one thing's for sure the more I try to forget about him, this heart gets stubborn to love him harder" naisip ko yung mga bagay na nagawa niya sakin "Who wouldn't love that guy? Alam niyo 'yun he's almost perfect the thing is he's heartless... I don't know if it's just me... He's being too kind to me...." sabi ko at napacover nalang sa mukha ko dahil nalulungkot talaga ako.
"When you left? Umalis siya and I think he followed you." Sabi ni Mikaella
"what? why would he do that e ayaw niya nga sakin." sabi ko sakanya
"sabi niya you can't like him but it doesn't mean na ayaw ka niya." sagot sakin ni Nicolas
"You know what, yang si Calvin? I think he's just scared." Sabi ni Mikaella
"Maybe because he was thinking that it'll be just like before, he'll love and get hurt after" dagdag niya
"Girl! I think you just make him see your worth!" Sabi sakin ni Nicolas
"huh?" tanong ko
"Make him see that you deserve it at kung magpapatalo siya sa being heartless niya aba he's not worth it after all." Sabi sakin ni Nicolas
Nagpalit na kami ng pantulog namin dito na kasi sila mag i-stay though hindi pa naman lasing sina Ivan Jonas at Oliver ay dito na sila pinag i stay ni mommy.
"Bro, you can't drive you're drunk" sabi ni Kuya kay Matthew
"I'm fine, Israel." sagot naman ni Matthew na halatang lasing dahil sa pula ng mukha at pungay ng mata. Tumingin ito sakin. "I'm fine" muli niyang banggit.
"Wala ng uuwi okay?" sabi ni Mommy "nakahanda na yung guest rooms, Israel mag usap kayo ng daddy mo" sabi ni Mommy
"Bro, wag ka ng makulit." sabi ni Jonas kay Calvin.
"no bro, ikaw ang makulit. I said I can drive." pangungulit ni Calvin
Linapitan ko siya at inalalayan
"Calvin, you're drunk" sabi ko sakanya at tinignan niya ko gamit ang mata niyang mapupungay.
"Just tell me to stay I'll stay." sabi niya ng nakatitig sakin at amoy na amoy ko yung hininga niyang bakas ang alak.
"Alo, ikaw na bahala sayo yan makikinig." sabi ni Jonas, bakit sakin makikinig ang isang 'to wala namang meron saamin.
inalalayan ko siya at pinunta sa guest room malapit sa office nila Daddy.
Nang makarating kami ay hiniga ko na siya sa may kama.
"bakit ka naman kasi nagpakalasing e" sisi ko sakanya
"I told you I can go home.... if you don't want me to be your responsibility." sabi niya habang nakatitig nanaman sakin yung mapupungay niyang mata."no... its just that, what if may mangyari sayo sa daan?" sabi ko sakanya habang inaayos ang bimpo at tubig
"Why? are you scared if something bad happened to me?" tanong niya sakin.
"Off course, I will." sagot ko sakanya at sinimulan na siyang hilamusan gamit ang basang bimpo.
"too bad... this world is cruel." sabi niya at kitang kita ko yung mga lungkot sa mata niya. Is it because of Kim again? is he sad because of her... again?
nakaidlip siya habang pinupunasan ko siya nakita ko yung mukha niyang bakas ang lungkot. Can i be that someone who takes away the pain, calvin? I can't bear to see you this sad... cause for me, you don't deserve anything cruel in this world. please... let me... love you...
Lumabas ako ng kwarto niya at nadaan sa office nila daddy... and I heard them speaking about me...
BINABASA MO ANG
A stone-hearted man
Romance"I can only love her when she finally change me from being a stone-hearted man." Sabi nila pain can make people change, pain makes people grow and stronger but what if there's a twist in it and you're still stuck on past... paano ang present?