Chapter 41

22 5 0
                                    

Megan's POV

The wedding ceremony ended well, Si Mikaell, Mikaella's and Oliver's son is the ring bearer at ang ganda ng wedding cause you can see that lots of people were happy for the newly wed. Si Bianca naman ang nakasalo ng bulaklak ni Luisa and tinukso naman ako ng mga kaibigan namin na mas mauuna pa raw si Bianca saakin.

"Let's go meg" aya sakin ni Calvin, papunta kami sa reception ng wedding na gaganapin sa Atlantis.

Nginitian ko si Calvin at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya, pumasok ako

"Thank you babyyy" sabi ko at nginitian naman niya ko at pumasok na rin siya sa sasakyan.

"Can't wait to have our own wedding baby" sabi nito sakin at hinawakan yung kamay ko at nginitian ko naman siya bilang response.

Actually, we're in the right age already and kung tatanungin ang financial status namin you can say that we're already ready to tie the knot.

Nakarating kami sa Reception pagkatapos ng kalahating oras na biyahe. Inaalalayan ako ni Calvin maglakad habang nakahawak sa bewang ko.

"Uyyy ang lovebirds ang sweet sweet!" Asar saamin ni Mikaella.

Agad namang nag init yung pisngi ko at napatingin kay Calvin. Hay! Sobrang gwapo naman ng nilalang na 'to.

"matunaw naman ako niyan baby" naamoy ko yung pabango niya dahil sa sobrang lapit niya sakin as he whispers that word to my ears

"WHOOO!! ANG CLINGY NG MAGJOWA" sigaw samin ni Jonas as we entered the elavator

"Alam mo ikaw babatukan kita gamit takong ko" pagbibiro ko sakanya at nagtawanan naman kaming magbabarkada.

Ng makarating kami sa function hall, hinanap namin yung reserved seat na para saamin. Calvin won't just leave me na para bang anytime mawawala ako sakanya so he's holding me tight.

"Looveee para namang mawawala ako sayo" bulong ko sakanya.

"promise me to never leave me Megan, hindi ko kakayanin" sabi nito at isinandal ang chin sa balikat ko.

"I promise love" sabi ko at I kissed his cheeks

"I love you so much Megan" sabi nito at tinignan ako sa mga mata ko.

"I love you so much too babyboy" sabi ko as I held his right cheeks.

He is clingy, pero i like it. The party was nice and Luisa's teary as we sent her messages.

"Its your turn Megan!" Bulalas ni Nicolas at tumayo ako at naglakad papunta sa harapan where they we're seated.

"Uhm, where do I start ba? So here it goes Luisa and Kenneth, I've seen the both of you grow. and I admire how strong your relationship is. To my bestfriend, Luisa... I am so happy for you-- the both of you. To Kenneth, take care of my bestfriend okay?" Sabi ko at naluha ako dahil finally natagpuan na nila ang kasiyahan sa isa't isa. Pinunasan kong muli ang luha ko at nagsimula na ulit mabigay ng mensahe para sa dalawa. "Ano ba 'yan, I'm being too emotional! Hahaha anyways, I'm not hoping for the very best wedding for the both of you without fight and all because we all know that a strong marriage came from the strong relationship. So i am hoping for a strong marriage for the both of you." Huminto ako saglit at ngumiti habang nakikitang naluluha sa saya si Luisa. "And of course! Ninang ako ng anak niyo ha!" As i said that lahat nagtawanan at nakita ko namang nagkahiyaan yung dalawa. "That's all bessy, Congratulations Luisa and Kenneth!! Cheers everyone!" Sabi ko at itinaas ang kamay kong may hawak ng baso ng champagne.

Naglakad ako pabalik sa upuan namin and when I get there nginitian ako ni Calvin

"me too meg, gusto ko rin ng anak." sabi ni Calvin sakin at ako naman parang naestatwa sa sinabi niya at ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. "mga lima" sabi nito at ngumiti.

Hinampas ko yung braso niya at sinamaan siya ng tingin.

"Heeey Meg, chill. Pero to be honest, gusto ko ng malaking pamilya." sabi niya at isinandal sakin yung ulo niya. "May it be all boys, para kalaro ko sa basketball or all girls to invite me with their tea parties or anything, kahit anong gender as long as it came from you." Sabi nito na parang bata.

"opo, someday" sabi ko sakanya at kinurot siya sa pisngi.

"Megan" sambit niya at hinawakan yung kamay ko. "promise me you'll spend your forever with me... only me, Mrs. Perez" sambit nito at pinisil yung kamay ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"I promise" sagot ko naman sakanya and he kissed me on my forehead.

We start eating already and I can say sobrang daming bigatin dito sa kasal ni Luisa at Kenneth!

"I can't believe it Megan! Mauunahan pa kitang ikasal!!" Masayang sabi ni Bianca while she's holding the flower na nasalo niya earlier.

"Oo nga bes! You're so hina naman!" Sambit ni Nicolas while she's eating her mango naglilihi na ang bruha pasalamat na lang talaga cause may manga sa fruit section dito kung hindi jusko mamo-mroblema nanaman si Ivan where he can find some.

Masaya kaming nagtatawanan ng mga kaibigan ko aswell as the boys sa kabilang side table  at nakikita ko pang si Jonas na tuwang tuwa sa pinag uusapan nila habang nakatayo pa habang tumatawa. I looked at Calvin, I can tell that sobrang gwapo talaga nito magmula sa kilay niya, sa mata niya sa ilong na nagyayabang sa tangos at ang namumula mula niyang labi.

"Huy fren I saw someone familiar kanina, I forgot her name lang saka her face basta she greeted me pa!" Sabi ni Mikaella habang sinusubuan yung anak niyang si Mikael "yummy baby?" tanong niya sa anak niya at tumango lang si Kael sa mommy niya.

"Really? Baka fan mo naman ate Mikaella" sambit ni Bianca

"Really??? Fan??? Omg!! Ang sikat mo na talaga bestfriend!" Sabi ni Nicolas at pinalo sa braso si Mikaella

"Anong fan ka diyan pereng tenge!" At nagtawanan naman kami kay Mikaella

Hindi namin namalayan ang oras and we noticed that its time to go home already, binaling ko ang atensyon ko sa lamesa ng mga kaibigan kong lalaki to look for Calvin. Naglakad ako papalapit sakanila

"Nasaan si Calvin?" Tanong ko at iniikot ko ang paningin ko.

"Baka nag cr" sagot naman ni Ivan

"Sige salamat!!" Sabi ko sa kanila at bumalik sa table namin.

"Oh siya sige, we'll go ahead" paalam ni Mikaella  at nakipagbeso beso saamin.

"Sige, ingat kayo" sabi naman namin sa kanila at nginitian naman nila kaming magkakaibigan.

"Kami rin Guys, nagtatantrums na si Nicolas e" sabi ni Ivan actually nagmartsa na palabas ng function room si Nicolas and we don't know either kung bakit siya naasar.

Where's Calvin kaya? I took my phone and texted him where he is

Umalis na rin yung mga kaibigan ko so I decided to go to the parking lot para doon na antayin si Calvin. As I was searching for his car may bumisina saakin at binuksan ang window.

"Where is he Meg?" Tanong ni Jonas sakin "okay ka lang ba diyan?" Dagdag niya at nginitian ko siya bilang sagot.

"Yeah i'm fine" ngiti ko sakanya "sige na go ahead! Take care, i'll just wait for him here na lang"

"Sige, take care Alo! May date pa kami ni Wendy! Wish me luck!!" Sigaw nito

Natawa naman ako sakanya "Okay!! Goodluck then!!" Sambit ko and waved goodbye.

But where is Calvin?

A stone-hearted manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon