Chapter 53

15 4 2
                                    

A/N: Click the audio! 💙



Congrats!
Alondra Megan Lee's POV
nakapasok na kami sa hotel and I am wondering ano bang meron dahil wala naman yata silang nabanggit saakin. Isa pa, ang weird naman na family dinner lang pero di kami sabay sabay pumunta doon gaya ng nakasanayan namin.

"Kuya, ano pala meron ba't tayo nandito?" tanong ko sakanya habang papasok kami ng elevator. Nakita ko rin na function hall ang pinindot ni Kuya. "May business party na naman ba kuya?" Tanong ko dahil madalas lang naman kaming mag function room kung mga may party. Saka, parang ang gastos naman na nagrent pa yung family ko ng function hall para sa family dinner lang.

"Kuya! Tinatanong po kaya kita" Ibinaling niya saakin ang tingin niya mula sa pagkakatutok sa kaniyang cellphone.

"Ah... sakto we're here" banggit ni kuya at napansin kong nasa function room na kami. Pagkalabas ko ng elevator, ang bumungad sakin ay si Mikaell na may dala dalang bulaklak.

"Ninang!" Sambit nito at inabot saakin yung bulaklak niyang hawak.

"Nandito ka rin babyyy??" sabi ko sabay yakap sakanya, ibinaling ko ang atensyon ko kay Kuya at nagtanong ulit, "Ano ba talaga meron, Kuya?" Tanong ko sakanya.

Nagkibit balikat lang ito at itinaas ang kanyang kamay at sinasabing "ewan ko" sabay nakakalokong ngiti.

Naglakad kami ni Mikaell habang magkahawak kamay at biglang sumulpot si Mikaella, may dala ring bulaklak. Peonies, my favorite. Teka, Andito rin siya?

"What is happening" sambit ko dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Nginitian lang ako nito at muli kaming naglakad.

Bumungad saakin si Nicolas kasama si Ivan, Kitang kita na rin ang baby bump ni Nicolas dahil malapit na rin itong manganak. Kagaya nila Mikaella may dala din itong bulaklak at iniabot saakin. Ngumiti ito saakin at sumabay sa lakad namin.

"Ano ba talaga nangyayari? Hindi ko naman birthday ngayon" Saad ko sakanila at talaga namang kinakabahan na ako dahil wala akong ideya sa mga nangyayari.

Nakasalubong namin si Louisse at Kenneth, at may dala rin silang piraso ng bulaklak.

Nagpatuloy kami sa paglakad at nakita ko si Bianca kasama ang boyfriend niya at inabutan din ako ng bulaklak.

At last! Nakarating na rin kami sa entrance ng function room. I must say sobrang ganda ng pagka design dito. Nakita ko ang family and friends, even Lana and Calvin's dad... they are here.

Nakita ko rin ang mommy and daddy ko na naluluha na. And I... am... clueless...

Sa pag gagala ko ng mata ko, Nakita ko si Calvin papalapit saakin. Suot suot niya ang tuxedo niya at I must say sobrang gwapo talaga! Pero teka akala ko ba busy siya?

"Baby" Sabi nito pagkalapit saakin at hinalikan ako sa noo. Iniabot niya saakin yung bulaklak na hawak niya at binulungan ako. "You are so pretty, My love"

at ako naman bahagyang napaluha "Ba-bakit ka nandito? Akala ko ba busy ka?"tanong ko sakanya ay talagang naluha na.

Buong araw ako nag-iisip kung ano pinagkakaabalahan niya at nagsabi siyang di siya makakarating.

"I'm busy nga" Sabi niya sa malumanay na tono, "did you miss me?" tanong niya saakin.

tumango lang ako bilang sagot.

"I missed you too, baby" Sambit nito at muli akong hinalikan sa noo.

"A...ano ba meron? bakit andaming tao?" tanong ko sakanya habang inililibot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil nasa amin pala ang atensyon ng lahat.

Bago niya sagutin ang mga tanong ko, Biglang tumugtog ang I will spend my whole life loving you ni Kinna ft Imaginary... isa sa mga paborito kong kanta.

Hinawakan ni Calvin ang kamay ko at pati rin siya'y naluluha...

"Why are you crying?" Tanong ko sakanya. Laking gulat ko ng bogla siyang lumuhod sa harap ko.

Dito na nagsipatakan ang luha ko dahil nagkakaroon na ako ng ideya.

"Alondra Megan Lee, Ms. Famous..." panimula nito at narinig ko naman ang iba'y nagtawanan dahil ito ang tawag saakin sa industriya ng pagmo-model... Kinuha niya ang red na box sa bulsa niya at nakita ko Diamond ring...

Sobrang ganda....

"Thank you for opening up my heart and bringing the best in me... " habang nagsasalita ito ay nagkacrack na rin ang boses niya dahil sa pag-iyak. "I couldn't imagine life without you, Baby." Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at ngumiti ito. "I love you sooo much... and I wanna spend my whole life loving you..." huminto ito ng bahagya at tumingala saakin... "Will you marry me, Baby?" tanong niya.

and by that, hindi na ako nagdalawang isip pa... "I do!" sigaw ko at agad naman siyang tumayo sa pagkakaluhod at niyakap ako at binigyan ng isang matamis na halik sa labi. Ang mga tao naman ay nagsipalakpakan.

"I love you so much" sabi niya sa pagitan ng halik namin.

"I love you too, baby" sagot ko at niyakap siyang muli.

Nagsimula ang party at cinongrats ako ng mga kaibigan, kamag-anak at ng family.

"At last Megan! Ikakasal ka na!" Teary eyed na sabi ni Nicolas.

"Thank you besh!" sabi ko sakanya at muling tinignan ang palasingsingan ko... Its real... ikakasal na nga ako.

"Matt, pare! Si Megan lang pala makakapagpalambot sayo" Pangungutya ni Jonas at sa tabi nito, kasama niya si Wendy.

"Eh wala eh, sino bang hindi?" sagot ni Calvin at mas hinigpitan ang akbay saakin.

"Grabe, Megan! I am so happy for the both you!" Sabi ni Bianca at bakas sakanya ang saya.

"Thank you Biancs! If it weren't you, mukang hindi ko masasabi kay Calvin lahat" sagot ko naman sakanya at nginitian siya.

"No worries besh! saka, halata naman nasa baguio palang tayo... na love at first sight yata" pagbibiro niya...

"Basta Meg ha? Pag inaway ka nitong kupal na to!! Ako bahala huhuhu" iyak na Mikaella dahil since day 1 naman siya ang nagpupush saakin mag boyfriend na and now, engage na ako.

"I wouldn't do anything that would hurt her, kaya wag ka mag alala Miks" paninigurado ni Calvin

"Nako!! Subukan mo lang talaga dahil kami aaway sayo!" Sambit ni Louisse 

at nagtawanan kami. I looked at Calvin and he's staring at me... Hinalikan niya ako sa noo at nginitian ako... "Soon to be Misis ko" sambit nito at niyakap ako ng bahagya

"Grabe!! Ang tamis naman" Ika ni Jonas at nagtawanan kaming muli.









"Cheers to soon to be Mr. and Mrs. Perez" Sambit ng emcee at nagsipalakpakan ang mga tao at sabay sabay kaming nagtoast...

and we kissed

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A stone-hearted manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon