"Gusto ko"
Gusto kong pumunta,
Sa isang lugar na
Siya ang kasama.
Gusto kong magwala,
Kapag hindi ko siya
Nakikita.Para siyang bida,
Sa isang eksena,
Siya lagi ang
Hinahanap ng aking
Mga mata,
Na para bang hindi
Ako masaya,
Kung hindi siya nakikitang,
Bumibida.Gusto kong mapunta,
Sa taong isang libo't
Walong daan at
Siyamnapu't dalawa,
Na nabasa ko sa isang istorya.
Gusto ko nandun rin siya.
Kase para siyang si
Carmela,
Ang kagandahan niya,
Makalaglag panga.
Pag nakita mo siya,
Luluwa ang iyong
Mga mata.Gusto kong maging
'Leading Man' niya.
Gusto ko,
Ako ang bumibida sa
Puso niya.
Gusto kong saluhin siya,
Mula sa mataas
Na bintana,
At tititigan ko siya,
Sa kaniyang
mga mata,
Doon ko pala makikita,
Ang lungkot at pagod
Na nararamdaman niya.
Dahil sa isang taong
Lubos siyang pinaluhaNgunit meron parin
Akong nakikita
Na pag-asa.
Pag-asang meron
Parin siyang makikilala,
Na taong magpapasaya
Sa kaniya,
At papahalagahan siya,
Ituturing pa siyang
Isang prinsesa
At mamahalin siya
Ng sobra.Gusto kong gumawa,
Ng isang masaya,
Mahiwaga,
At di malilimutang
Alaala,
Na kapiling siya.
Mamahalin ko siya,
Hanggang sa aking
Huling hininga,
At sasabihin ko sa kaniya na,
'Mahal na mahal kita,
Aking prinsesa.'
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula