Tula #21

38 2 0
                                    

"Abo"

Araw ng miyerkules,
Ako ay bihes na bihes.
Dahil magkikita nanaman,
Ang dalawang nagmamahalan.

Habang ako'y naghihintay sa sakayan,
Ang mga paa ko'y nanghihina nanaman.
Dahil gusto ko na siyang puntahan,
Sa kaniang kinalalagyan.
Hindi ko alam ang dahilan,
Kung bakit siya at siya parin ang
Tumatakbo sa aking isipan.

Pero nung ika'y masilayan,
Ang sakit ko'y bumalik nanaman.
Kaya hindi na kita napuntahan.
Dahil ayokong makita mokong nahihirapan.

Pero laking gulat ko ng,
Bigla mokong nilapitan.
At bigla kang nagtanong ng,
"Ayos kalang?"
Unti unti ng gumagaan,
Ang aking nararamdaman,
Dahil aking nalaman,
Na nagaalala ka sa aking kalagayan.

Sa istorya,
Na naglalaro sa aking isipan,
Siya ay nandyan,
At kasama niya akong nangangarap,
Sa kung ano ang gagawin namin sa hinaharap.
Na balang araw ay,
Aabutin mga bituwin,
Habang pasan ko siya.
Lahat ay gagawin,
Siya lang ay mapasaya.
Buong mundo'y aangkinin,
Para sa aming dalawa.

Nung araw ng miyerkules,
Parehas kameng nakasuot ng
Kulay abo,
Kapag aking pinapansin ang terno namin,
Kinikilig nako.

Pero ang hindi ko makakalimutan,
Ay nung oras ng tanghalian,
Kami ay nasa initan,
Ang mga kamay ko'y umangat ng biglaan,
Ng aking pinunasan,
Ang pawis niyang tumatagaktak
Ng parang ulan.
Ang tuhod ko'y nanghina bigla,
Na parang pinalo ako ng tabla,
Dahil sa kilig na nadama.

Hinding hindi ako bibitiw,
Kahit saan magpunta.
Dahil ayoko ng maglakbay,
Ng nag-iisa.
Siya nalang ang taong,
Gusto akong samahan.

Ang mga abong dumadaan,
Sa ating dinadaanan,
Ay parang lungkot ko.
Dahil simula nung ikaw ay makasama,
Lahat ng iyon ay unti-unting
Napapawi na.

Kaya sigurado nakong siya na talaga,
Ang kasama ko sa pagtanda.
Hindi ko na sia bibitiwan pa.
Dahil ayoko ng makuha pa siya ng iba.
Dahil marami pa kameng "Goals",
Na kailangang gawin.
Hindi ako makakapayag na
Ito lang ay mapako.
Dahil gagawin ko lahat ng yon,
Ng walang halong kaba at takot.
Mamahalin ko siya,
Hanggang dulo.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon