Tula #19

47 2 0
                                    

"Nakakalito"

Hindi ko alam kung bakit,
Ako'y litong-lito.
Baket ako paren ang pinili mo?
Sa dinami-dami ng mga
Lalake sa mundo,
Baket ako pa ang nagustuhan mo?
Hindi naman ako gwapo,
Hindi rin ako matalino,
At lalong hindi ako macho
Na parang ideal man mo...

Nakakalito.
Nakakalito kase simula
Noong ikaw ay nakilala ko,
Andame nang nagbago sa buhay ko.
Ikaw nalang ngayon ang
Nagpapasaya sa puso ko
Kaya kahit isang oras lang kitang
Hindi makausap,
Nalulungkot nako.

Kaya sana naman,
Wag mo na akong iiwan,
Ayoko na kaseng maranasan,
Ang mag nakaraang,
Ayoko nang balikan.
Kaya hinding hindi na kita
Papakawalan,
Kahit tayo pa ay hadlangan.
Ito ay ating ipaglalaban.
Aking papahalagahan,
Ang ating mga pinagsamahang,
Kay sarap balikan.

Ako'y aminadong aminado na,
Ikaw na talaga ang binigay ni bathala.
Aminado nakong tayo na talaga,
Ang pinagtagpo ni tadhana.
Kaya mamahalin kita,
Sa panahon na pwede konang
Sabihin na 'tayo na'

Kaya hindi nako malilito,
Kase ang puso ko'y sigurado,
Na ikaw ang gagawin kong mundo.
Mundong hinding hindi
Mawawasak at guguho.
Hindi ko sasayangin ang tiwala ng
Magulang mo sa akin.
Hindi kita sasaktan at papaluhain,
Sapagkat akin kitang iibigin.
Sisikapin kong tuparin,
Ang pangakong hindi ko papakuin,
Na tayo ay magkasama parin.
Kahit kulubot na ang mga balat natin,
Tayo parin ay magkasamang
Magbibilang ng mga bituwin.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon