"Iba ka"
Hindi molang alam na
Ibang iba ka sa kanila
Ngayon kolang naramdaman,
Ang nakakabaliw na saya.
Sa tuwing nakikita kita,
May naramdaman talaga
Akong kakaiba.
Ano ba?
Ano bang meron ka,
Na wala sa iba?
Baket hindi ko mapigilang
Mapatingin sayong mga mata?
Ibang iba ka talaga
Sa kanila.
Kakaiba ang iyong ganda.
Gandang bihira lang makita.Pero baket?
Baket marami pareng taong
Sinasaktan at iniiwan ka?
Baket hindi nila makita,
Ang nakikita ng aking
Mga mata?
Hindi ba nila nadarama?
Ang mga effort na ginagawa mo
Para sa kanila?
O sadyang sinasadya nilang
Paasahin ka?Baka ako lang talaga,
Ang nakakakita ng
Namumukod tangi
Mong ganda.
Pero mas lalo akong
Namangha,
Nung aking makita,
Ang mga gawa mong tula.
At nang aking binasa,
Ang isa sa iyong mga tula,
Ang puso ko'y gustong kumawala,
Dahil sa sobrang galak at tuwa.
Kase ang nabasa ko pala...
Ay tungkol sa lalakeng
Nababasa ngayon ng mga
Tula niya.Ako'y biglang nagtaka.
Ako ba'y matino pa?
Baket nababaliw ako sa kaniya?
Hindi kaya,
Totoo natong nararamdaman ko
Para sa kaniya?
Akala ko talaga nung una,
Ito'y simpleng paghanga,
Akala kolang pala.
Kaya susulitin kona,
Ang mga panahon na kasama kita,
At aking ipapadama,
Ang mga bagay na hindi ginawa ng iba,
Na kahit minsan lang tyo magkita,
Atleast may 'minsan'pa.
Kaya sa bawat araw na tayo'y
Muling magkita at makasama,
Gagawin ko ang lahat
Para lang sayo sinta.
Makita ko lang palage,
Na ikaw ay masaya.
Lahat ng bagay na magpapasaya sayo,
Gagawin ko.
Kase dun kolang maipapadama na,
Mahal kita.
BINABASA MO ANG
Makata
PoésieSinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula